Balita

Dustin Hoffman sa alegasyon ng sexual harassment: ‘Not reflective of who I am’

-

LO S ANGELES (Reuters) - Sumagot ang Oscar-winning actor na si Dustin Hoffman sa mga alegasyon ng sexual harassment ng isang teenage intern sa isang set ng pelikula mahigit 30 taon na ang nakalipas.

“I have the utmost respect for women and feel terrible that anything I might have done could have put her in an uncomforta­ble situation. I am sorry,” saad sa pahayag ni Hoffman sa isang magazine nitong Miyerkules. Sinabi ni Hoffman, 80, bituin ng The Graduateat Tootsie, na ang gawing inilarawan ni Anna Graham Hunter sa first person account para sa The Hollywood Reporter magazine ay “not reflective of who I am.”

Hindi makumpirma ng Reuters ang elagasyon ni Hunter. Hindi naman sumagot ang mga kinatawan ni Hoffman sa mga kahilingan na magkomento at hindi makontak ng Reuters si Hunter.

Inakusahan ni Hunter sa mga sipi mula sa kanyang 1985 diary at notes sa kanyang kapatid na babae na nagsalita si Hoffman ng malalaswan­g at biro sa kanya habang nagtatraba­ho siya noong 17- anyos siya at naglingkod bilang production assistant sa set ng 1985 TV film na Death of a Salesman.

“He (Hoffman) was openly flirtatiou­s, he grabbed my ass, he talked about sex to me and in front of me,” saad ni Hunter. Iniulat din ng Los Angeles Times na anim na babae ang nag-akusa ng harassment at unwanted attention laban sa movie director na si Brett Ratner. Mariin itong itinanggi ng abogado ni Ratner.

Ilang alegasyon ng sexual harassment at assault ang lumutang nitong mga nakaraang buwan laban sa prominente­ng kalalakiha­n sa Hollywood, kabilang ang producer na si Harvey Weinstein at ang actor na si Kevin Spacey.

 ??  ?? Dustin
Dustin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines