Balita

Kevin Spacey nagpapagam­ot, kasunod ng mga akusasyon ng sexual misconduct

-

LOS ANGELES (Reuters) – Nagpapagam­ot ang Oscar-winning actor na si Kevin Spacey, ayon sa kanyang mga kinatawan, kasunod ng mga alegasyon ng sexual misconduct na naging dahilan para ipatigil ng Netflix ang production ng House of Cards at ng social media backlash.

“Kevin Spacey is taking the time necessary to seek evaluation and treatment,” saad sa inilabas na pahayag ng kanyang mga kinatawan nitong Miyerkules ng gabi. Walang detalye kung ano ang ipinapagam­ot ni Kevin.

Nitong Huwebes, naglathala ang CNN ng ulat na walong kasalukuya­n at dating empleyado ng House of Cards, na hindi pinangalan­an, ang nag-akusa ng sexual misconduct kay Kevin.

Sinabi ng House of Cards production company na Media Rights Capital sa isang pahayag na ipinadala sa email sa Reuters nitong Huwebes na ito ay “deeply troubled to learn about these new allegation­s.”

Ayon sa pahayag ng kumpanya, may hinawakan itong isang kaso noong 2012 na isang crew member na hindi pinangalan­an “shared a complaint about a specific remark and gesture made by Kevin Spacey” at kaagad itong ginawan ng paraan at naresolba ang isyu.

Ayon sa nasabing pahayag, “(Kevin) had willingly participat­ed in a training process” at wala itong alam tungkol sa iba pang reklamo laban sa kanya simula nang akusahan siya ng isang aktor.

Sinabi ng Netflix sa isang emailed statement na alam nito ang insidente noong 2012 na may kinalaman kay Kevin at “is not aware of any other incidents involving Kevin Spacey on-set.”

Nauna nang sinabi ng Netflix na ito ay “deeply troubled” sa mga alegasyon ni Anthony Rapp at sinuspinde ang production ng upcoming sixth at final season ng House of Cards, na si Kevin ang bida bilang si U.S. President Frank Underwood. Sinabi ng Media Rights Capital na nagkabit ito ng anonymous complaint hotline, crisis counselors at sexual harassment legal advisors para sa House of Cards ngayong linggo, at “( would) continue to thoroughly investigat­e all current claims and any new claims that are formally brought to our attention.”

Nitong weekend humingi ng paumanhin si Kevin kay Anthony, na nag-akusa sa kanya ng pang-aakit noong 1986 nang ito ay 14 anyos pa lamang.

Bilang bahagi ng apology, ipinahayag ni Kevin na siya ay bakla ngunit itinuring ito ng marami sa LGBT community at iba pa na pagtatangk­ang mailihis ang atensiyon mula sa mga akusasyon ni Anthony.

Sinabi ni Anthony sa post sa Twitter na hindi na siya magbibigay ng dagdag na komento.

Ang mga pahayag ni Kevin ay kasunod ng mga alegasyon ng harassment laban sa kanya nitong nakaraang linggo ng Mexican actor na si Roberto Cavazos, na nakatrabah­o niya sa London theater noong artistic director doon si Kevin simula 2004 hanggang 2015, at ng U.S. filmmaker na si Tony Montana.

 ??  ?? Kevin
Kevin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines