Balita

Dennis, Tom, Carla at Alden, balik-‘Pinas na bukas

- Ni NITZ MIRALLES

HANGGANG bukas pa mananatili sa Thailand sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Carla

Abellana at Alden Richards, kaya bukas naririto na sila sa Pilipinas. Naroroon sila para mag-promote ng kanilang teleserye na ipalalabas doon.

Nag-promote sina Dennis, Tom at Carla nag- promote ng My

Husband’s Lover at si Alden ay nag-promote ng One True Love. Paglapag ng apat sa Suvarnabhu­mi Airport, sinalubong sila ng TV crew ng network na nagpapalab­as ng dalawang teleserye ng GMA-7. Ininterbyu ang apat at binigyan ng mga bulaklak.

Naimbita ang apat via the partnershi­p of GMA Worldwide Inc.. at JKN Global Media. Ang launching para sa airing ng My

Husband’s Lover at One True Love ay tinawag na Mega Showcase Event: Diamond Gold.

Pagbabalik nila ng Pilipinas, balik sa taping ng The One That Got Away si Dennis; may gagawing pelikula si Tom at maggi- guest muna si Carla sa iba’t ibang show ng GMA-7 habang naghihinta­y ng bagong teleserye.

Sasabak naman si Alden sa taping ng isang special episode ng Magpakaila­nman featuring the story of a soldier na isa sa mga lumaban sa Marawi. Ang sabi ng makausap naming EP ng Magpakaila­nman, sa November 10 magti-taping si Alden.

Hintayin natin kung masusunod ang schedule na ito at hintayin din natin ang announceme­nt kung kaninong life story ang ipo-portray ni Alden.

 ??  ?? Alden, Helen, Dennis, Carla at Tom
Alden, Helen, Dennis, Carla at Tom

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines