Balita

125 napatay ng tandem sa 2 linggo

- Aaron Recuenco

Nasa kabuuang 125 katao ang napatay ng riding-in-tandem sa loob ng kalahating buwan, at sinabi ng Philippine National Police (PNP) na robbery ang pangunahin­g motibo.

Base sa datos ng PNP mula sa Directorat­e for Investigat­ion and Detective Management (DIDM), ang 125 katao na ibinulagta ng riding-intandem ay kabilang sa 363 naitala simula Oktubre 10 hanggang Nobyembre 5.

At ang mga natirang biktima ay hindi nasaktan.

“The data also revealed of the total number of incidents, 15 incidents are already cleared by the authority, 45 incidents are considered as solved, and 267 incidents are underway for further investigat­ions,” sabi ni Director Augusto Marquez, Jr., hepe ng DIDM.

Matatandaa­ng nagsimulan­g mangalap ng datos ang PNP tungkol sa tinawag nitong pag- atake ng motorcycle-riding suspects (MRS) noong Oktubre 10 makaraang alisin dito ang pangangasi­wa sa drug war.

Sinabi ni Marquez na aabot sa 64 na motorcycle-riding suspect ang inaresto ng awtoridad habang 380 pa ang kasalukuya­ng tinutugis.

Nilinaw din ng awtoridad na sa kabuuang bilang ng insidente, 10 lamang ang may kinalaman sa droga.

Base sa report, naitala ang pinakamara­ming kaso ng MRS sa Metro Manila, 49; habang ang CALABARZON ( Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ay may 37 kaso, at sa Central Luzon at sa Central Mindanao ay may 12, 34 at 32 kaso, ayon sa pagkakasun­od.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines