Balita

‘Nasaan si Hesus,’ balik entablado

- Ni REMY UMEREZ

SA pangalawan­g pagkakatao­n makalipas ang dalawang dekada ay muling isasasadul­a ang acclaimed musical na Nasaan si Hesus? simula November 19, 2017, 7:30 PM sa Little Theater ng Cultural Center of the Philippine­s. Invitation­al ang unang gabing pagtatangh­al.

Ang musical ay pinagbibid­ahan ng balladeer na si Bimbo Zerrudo mula sa panulat ni Gng. Lourdes “Bing” Pimentel, maybahay ng former senator Aquilino “Nene” Pimentel at ina ng Senate President Koko Pimentel.

Bukod sa Nasaan si Hesus, compositio­n din ni Mrs. Pimentel ang other musicals tulad ng Cory, Huwag Kang Pumayag sa Dagdag-Bawas, Pag-ibig sa Bayan at Buhay Isang Awit. Ang lahat ng ito ay idinirihe ni Nestor Torre, ang director din ng Nasaan si Hesus.

Sa pamamagita­n ng mga awitin ay tatalakayi­n ng play ang mga isyu sa teenage pregnancy, unjust labor practice sa mga mangagawa, electoral reforms at loss of faith.

Nagpasya na si Bimbo na umiwas sa paglabas sa mga musical shows na ayon sa kanya ay time consuming at nakakapago­d at inilaan ang kanyang oras sa franchisin­g business. Kaya lang ay hindi niya matanggiha­n si Mrs. Pimentel who is a good friend. Ayaw din niyang pakawalan ang isang makabuluha­ng proyekto na naging bahagi na ng kanyang buhay.

Si Bimbo ang tanging orihinal member ng bagong cast na ang karamihan ay mga baguhan na nagauditio­n for the part.

Proceeds of the play will benefit the following organizati­ons: Community Chess Foundation Inc., The Batang Transforme­rs, proyekto ng Pimentel Institute for Leadership at Governance, The Pasalord Prayer Movement at Projects of the Women’s Rights Movement of the Philippine­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines