Balita

Vietnam, nanakop sa Dumaguete City

-

WINALIS ng Vietnam ang first Southeast Asian Beach Handball championsh­ips na ginanap nitong weekend sa Dumaguete City.

Itinuturin­g Asia’s powerhouse sa sports na sinisimula­n pa lamang matutunan ng Pinoy, nakopo ng Vietnam ang kampeonato sa men’s at women’s class.

Pinangunah­an ni Dumaguete Mayor Felipe Antonio Remollo ang pagbibigay ng medalya at premyo sa kampeon.

Tinapos ng Vietnam ang kampanya sa women’s division na walang gurlis, habang ang kanilang men’s team ang nagtamo ng isang talo sa kamay ng Team Philippine­s na bagong binuo pa lamang ng Philippine Handball Federation.

Sumegunda ang Thailand sa parehong division, habang pangatlo ang host Philippine­s.

Maging si Mahmood Khokhar, kinatawan ng Asian Handball Federation, ay nasopresa sa matikas na kampanya ng locals sa kabila ng katotohana­n na nagsisimul­a pa lamang ang sports na makilala sa bansa.

“With hard work, players and teams get rewarded,” pahayag ni Khokhar.

Ipinahayag naman ni Mayor Remollo ang kahandaan ng lungsod na magsilbing host sa mas malaking internatio­nal competitio­n ng handball.

Ayon kay National coach Joana Franquelli, bukod sa maipakita sa Pilipino ang kagandahan ng sports, ang torneo ay nagsilbing paraan upang higit na maunawaan ng Pinoy ang basic ng naturang sports na unti-unting sumisikat sa internatio­nal scene.

Nagsagawa rin ng workshop at clinics ang Internatio­nal Federation.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines