Balita

DDB Chairman Santiago, pinag- resign?

- Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

Nagbitiw na sa puwesto nitong Lunes si Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago, at napaulat na ito ay batay sa kagustuhan ni Pangulong Duterte.

Ito ang sinabi ni Santiago kahapon nang kapanayami­n ng ABS-CBN.

“Malacañang knows best. The boss is always right,” sabi ni Santiago.

Napaulat din na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagparatin­g kay Santiago ng umano’y direktiba ng Presidente.

Nabatid na nitong Lunes ipinasa ni Santiago sa Malacañang, sa pamamagita­n ng email, ang kanyang isang-pahina na may dalawang pangungusa­p na resignatio­n letter na nagsasaad na “irrevocabl­e” ang pagbibitiw niya sa tungkulin “effective immediatel­y” at may personal na bagay siyang dapat na asikasuhin.

Iginiit din ni Santiago na wala siyang sama ng loob sa Pangulo. “Alam mo naniniwala ako sa Rule No. 1. The Boss is always right. Rule No. 2: If you think the Boss is not right, refer to Rule No. 1,” aniya.

Gayunman, hindi magawang kumpirmahi­n ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque kung nagbitiw na nga sa puwesto si Santiago.

“I have not received any informatio­n on this regard. No confirmati­on,” sinabi ni Roque sa mga Malacañang reporter kahapon ng umaga. “Although I’ve heard that he has resigned, I have no formal informatio­n and official informatio­n in this regard. We’re verifying it.”

Nag-resign ang DDB Chairman matapos mabalita ang komento niya sa isang panayam na isang “mistake” ang pagpapagaw­a sa mega drug rehabilita­tion facility sa Nueva Ecija.

“That was a mistake. Ang problema, naging excited si President,” sinabi ni Santiago sa panayam sa kanya ng ANC noong nakaraang linggo. “‘Yung ginasta doon, puwedeng ginamit sa mga community-based rehab ‘yun, maliliit which can only accommodat­e siguro mga 150 to 200.”

Ang nasabing pasilidad, na may 10,000bed capacity, ay inasahang makatutulo­ng sa libu- libong drug surrendere­r kaugnay ng kampanya kontra droga, subalit nasa 311 lamang ang pasyente rito noong Hunyo 2017.

Itinalaga ni Pangulong Duterte noong Hulyo 10, 2017, ikalawa na si Santiago na DDB chairman na nagbitiw sa puwesto sa administra­syong Duterte.

Sinibak ang pinalitan niyang si Benjamin Reyes dahil taliwas ang inilabas nitong bilang ng mga adik sa bansa sa taya ng Pangulo. Sinabi ni Duterte na may kabuuang apat na milyon ang lulong sa droga sa Pilipinas, gayung 1.8 milyon lang ang taya ni Reyes.

 ??  ?? Santiago
Santiago

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines