Balita

Plunder kay Gordon, libel kay Nieto— Trillanes

- Leonel M. Abasola

Kakasuhan ngayong Miyerkules ni Senator Antonio Trillanes IV sa Office of the Ombudsman si Senator Richard Gordon kaugnay ng umano’y kinasangku­tan nitong anomalya bilang chairman ng Philippine Red Cross (PRC).

“I will be filing the case tomorrow, plunder, against Senator Gordon. Tomorrow morning ‘yan. This is in relation doon sa pagplunder niya nung pondo ng gobyerno na ipina- allocate niya sa Red Cross,” sinabi kahapon ni Trillanes sa Kapehan sa Senado. “Ginamit niya and Red Cross para sa sariling interest.”

Aniya, mahigit P50 milyon ang sangkot na halaga kaya pasok talaga sa plunder ang kaso, at halos kapareho umano ito sa operasyon ni Janet Lim-Napoles, ang sinasabing pangunahin­g suspek sa “pork barrel” fund scam.

“Nung Senador siya, nung first term niya, nag-allocate siya ng pondo sa Red Cross habang chairman siya. Bawal ‘yun, parang Napoles scam ‘yun,” ani Trillanes. “Kung titingnan mo walang problema. Kaso siya ang chairman, siya ang nagdi-disburse ng pondo.”

Sinabi pa ni Trillanes na hihilingin din niya sa Commission on Audit (CoA) at sa Internatio­nal Federation of the Red Cross na magsagawa rin ng sariling imbestigas­yon sa usapin.

Setyembre ngayong taon nang ihayag ni Trillanes na kakasuhan niya si Gordon, na nakainitan niya sa kasagsagan ng pagdinig ng Senado sa P6.4- bilyon shabu shipment. Matatandaa­ng inakusahan ni Trillanes si Gordon na nag-aabogado para sa mga Duterte.

Dahil dito, sinampahan ni Gordon ng reklamo si Trillanes sa ethics committee, na ginawa rin ni Trillanes laban sa kanya.

Samantala, sinabi ni Trillanes na maghahain naman siya ng kasong libel laban sa Thinking Pinoy blogger na si RJ Nieto at sa isang kolumnista sa pagpapakal­at umano ng “fake news”, nang banggitin ng mga ito sa kani-kanilang artikulo na tinawag ni United States President Donald Trump ang senador na “little narcopolit­ician.”

“Pine- prepare na ng abogado ko ‘yung libel case, so kakasuhan na namin siya. ‘ Yung nagkalat sila ng fake news na tinawag daw ako ni President Trump na ‘ little narco’. Maliwanag na ‘ yun sa US government website on the presidenti­al pronouncem­ents and interviews na wala talaga dun. So, kasinungal­ingan talaga ‘yan,” ani Trillanes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines