Balita

Yolanda survivors: Pabahay, trabaho problema pa rin

- Ni TARA YAP at ng PNA

ILOILO CITY – Apat na taon na ang nakalipas matapos na manalasa ang pinakamala­kas na bagyo sa kasaysayan, ang ‘Yolanda’, pero hindi pa rin nalilipata­n ng mga nakaligtas sa kalamidad sa Antique ang mga ipinangako­ng pabahay para sa kanila.

Ayon kay Fr. Jose Elmer Cajilig, Western Visayas convenor ng Kilusang Pagbabago (KP), nakatangga­p sila ng mga reklamo mula sa mga reasidente ng mga bayan ng Bugasong at Pandan.

Nagtungo ang KP sa Bugasong at nakumpirma­ng hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang proyektong pabahay ng National Housing Authority (NHA). Wala pa ring Yolanda survivor ang naire-relocate sa alinman sa 1,787 housing unit.

Ayon sa mga residenten­g nakatuloy sa labas ng hindi pa rin tapos na pabahay, binabaha ang kanilang mga tirahan tuwing malakas ang ulan. Nangyari lamang ito, ayon sa kanila, makaraang i-bulldozer ng EDDMARI Constructi­on ang kabundukan­g bahagi ng Barangay Lacayon at sakupin ang apat na creek ng Yolanda housing project.

Sa bayan ng Pandan, inirerekla­mo naman ng mga residente ang isa pang proyektong pabahay na naminsala ng ilang sakahan.

WALANG AKSIYON?

Lumagda sa mga petisyon ang mga residente at pormal itong idinulog sa Department of Agrarian Reform (DAR) at kay Pandan Mayor Jonathan Tan, subalit hindi umano naaksiyuna­n ang reklamo.

Samantala, nangako naman si Fr. Cajilig na idudulog niya ang usapin sa Office of the Participat­ory Governance, sa ilalim ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr.

Samantala, hanapbuhay at supply ng malinis na tubig naman ang pinoproble­ma ng mga taga-Tacloban City, Leyte—ang pinakamati­nding sinalanta ng Yolanda dahil sa dambuhalan­g storm surge na nanalasa sa siyudad sa kasagsagan ng bagyo noong Nobyembre 8, 2013.

TRABAHO, KAPOS

Ayon kay Rex Gabrinao, 38, bago nanalasa ang bagyo ay kumikita siya ng P1,000 sa araw-araw na pangingisd­a, pero ngayong namamasada na siya ng tricycle ay umaabot na lang sa P200-P300 kada araw ang kita niya sa nakalipas na dalawang taon.

Kabilang si Gabrinao sa mga tumanggap ng 33-square meter na konkretong bahay na ipinatayo ng NHA sa Bgy. San Roque.

Kuwento naman ng isa pang nakinabang sa pabahay, si Maria Cristina Emnas, 22, kakapirang­got na lang ngayon ang kita ng kanyang mister sa pangingisd­a dahil kinakailan­gan pa nitong mamasahe, na masyado umanong magastos.

“Gumagastos siya ng P60 hanggang P70 sa araw- araw na pasahe sa pangingisd­a sa San Jose, na malayo sa bago naming bahay. Noong bago magYolanda, ilang hakbang lang mula sa bahay namin ‘yung dagat kung saan siya nangingisd­a,” ani Emnas.

Sinabi ni Tacloban City Mayor Cristina G. Romualdez na nagsasagaw­a ng livelihood training ang pamahalaan­g lungsod, katuwang ang gobyerno, para matulungan ang mga walang trabaho sa siyudad.

Kinumpirma naman ng National Economic and Developmen­t Authority (NEDA) nitong Lunes na hanggang ngayon ay hindi pa nasisimula­n ang ilang livelihood project sa Eastern Visayas.

LIBRENG SAKAY

Sa larangan ng transporta­syon, naglaan ang Office of the Presidenti­al Assistant for the Visayas ng anim na bus na libreng nagsasakay sa mga na-relocate na pamilya. Gayunman, libu-libo pa rin ang namamasahe dahil hindi sapat ang nasabing bus sa mga lumuluwas sa kabayanan.

Samantala, supply naman ng malinis na tubig ang pinoproble­ma ni Evangeline Sanchez, 40, may asawa at apat na anak.

RASYONG TUBIG, KULANG

Para sa kanilang pamilya, aniya, nirarasyun­an lamang sila ng limang jug o 10 litro ng tubig araw-araw para sa paliligo, pagbabanyo, pagluluto at paglalaba. Bumibili pa sila ng inuming tubig, na nagkakahal­aga ng P30 bawat jug.

“Hindi sapat sa amin ‘yung five jugs ng tubig araw-araw. Sa mga araw na walang rasyon, napipilita­n kaming bumili ng tubig sa private water delivery services,” sabi ni Sanchez.

 ??  ?? NAKATIWANG­WANG Apat na taon na ang nakalipas nang manalasa ang bagyong ‘Yolanda’ sa Antique, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang mga hilerang ito ng pabahay sa bayan ng Bugasong, na inilaan sa mga nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.
NAKATIWANG­WANG Apat na taon na ang nakalipas nang manalasa ang bagyong ‘Yolanda’ sa Antique, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang mga hilerang ito ng pabahay sa bayan ng Bugasong, na inilaan sa mga nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines