Balita

Ken Chan, may hawig kay Rico Yan

- Ni REGGEE BONOAN

KAHAWIG KAHA pala ni Ken Chan ang namayapang si Rico Yan. Ito ang napansin namin habang pi pinapanood sa premiere night ang This Time I’ll Be Sweeter kasama si Barbie Forteza nitong Lunes ng gabi sa SM Megamall Cinema 7 handog ng Regal Films sa direksiyon ni Joel Lamanga Lamangan. Kapa Kapansin- pansin ang pagngiti ni Ken bukod pa sa chinito e eyes niya at pati buhok, tindig, p pagdadala ng damit at mapuputing mapupu ngipin na Rico Yan ang dating. At a aware pala ang aktor na haw hawig sila dahil may mga nagsab nagsabi na rin sa kanyang kahawi kahawig nga niya ang dating karela karelasyon ni Claudine Barret Barretto, sabi niya nang kausap kausapin namin. “A “Ay, opo, maraming nagsa nagsabi sa akin, in fact idol ko po siya, ginagaya ko nga po siya. Sobrang sarap na pakiramdam talaga na maraming nagsasabi sa akin,” natawang sagot ng binata. Eight years old pa lang daw si Ken nang magsimulan­g hangaan niya ang dating Kapamilya actor. “Opo, lahat ng pelikula niya pinanood ko at alam ko pelikula nila nina Claudine Barretto tulad ng Dahil Mahal na Mahal Kita, ‘ yung movie nila ni Judy Ann Santos. “Kung mabibigyan lang sana ako ng pagkakatao­n, sarap sanang makatrabah­o ni Rico Yan kasi idol ko po siya,” sabi ng binata. O kaya magbida sa remake ng moview nito. “Ang gaganda ng mga pelikula niya, kahit isa lang, sobrang blessed na talaga, sana mabigyan nga ako ng chance.” Ang pagkakaroo­n ng wholesome image ang hinangaan ni Ken kay Rico Yan. “Sobrang wholesome po kasi ni Rico, kahit tipong hindi siya maghubad, napaka-charming pa rin niya.”

Batay sa mga hiyawang narinig namin sa loob ng sinehan, tiyak na kikita ang This Time I’ll Be Sweeter nina Ken at Barbie. Napakarami pala nilang fans as in at tatlong malalaking grupo ang nakita naming pumunta sa premiere.

May solong Ken, solong Barbie at KenBie fans club ang dumalo sa premiere night at dahil may kilig naman talaga ang dalawa ay ang ganda rin ng ngiti ng Regal producer na si Mother Lily Monteverde lalo’t maayos ang pagkakadir­ek ni Joel Lamangan.

Pawang mga baguhang artista ang bida sa TTIBS at nakita naming kasama nila ang kani-kanilang mga magulang na tuwang- tuwang napanood nila sa big screen ang kanilang mga anak.

“Sobrang saya ko, kasi first time ko pong mag- premiere night ng ganito and hindi kop o in-expect na ganu’n na lang ‘yung suporta ng mga tao, mga fans namin ni Barbie.

“At first time rin naming mapanood ‘ tong movie namin dahil ayaw kaming payagan na mapanood ‘yung movie, sabi sa premiere night na lang daw kaya nu’ng nakita ko ‘ yung movie, sobrang tuwa, ‘yung mama’t papa ko nga po, umiyak pa, sobrang supportive nila, pati kapatid ko, nandiyan din. Talagang naiyak sila dahil hindi nila akalain na makakagawa ako ng pelikulang ganito and sobrang blessed and happy po sa nangyayari sa amin ni Barbie,” masayang sabi ni Ken.

Showing na simula ngayong araw ang This Time I’ll Be Sweeter sa lahat ng sinehan nationwide at kasama rin sa cast sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Hiro Peralta, Rey ‘PJ’ Abellana, Fiona Yang, Rosalind Wee, Khaki Ramirez, Neil Ryan Sese, Jai Agpangan, Yayo Aguila at Ara Mina.

 ??  ??
 ??  ?? Ken Rico
Ken Rico

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines