Balita

Fans kinilig sa KimGerald wedding scene

- Ni REGGEE BONOAN

NAGBUNYI ang loyalistan­g fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson nang ikasal ang dalawa sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na napanood nitong Lunes.

Hindi kaila sa supporters ng Kimerald na malabo nang magkabalik­an ang dalawa na may kanya-kanya nang lovelife, kina Xian Lim at Bea Alonzo. Pero at least nga naman, nakita pa rin nilang ikinasal ang dalawa kahit na sa serye man lamang.

Kilig na kilig ang fans ng dalawa kaya trending ang wedding scene na inabangan ng manonood sa hashtag na #ILAIPagbub­uklod.

Very touching naman kasi ang wedding vows nina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim).

“Sa wakas, sa harap ng Diyos at sa harap ng taong nagmamahal sa atin, masasabi ko na ang nararamdam­an ko para sa iyo. Bianca, ikaw ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko. Sinamahan mo ako para maabot ko ang mga pangarap ko,” sabi ni Gabriel.

“Pero ang totoo niyan ikaw ang pinakamala­king pangarap ko. Makabuo ng pamilya kasama ka, wala nang hihigit pa doon. I love you mahal na mahal kita,” dugtong nito.

Ayon naman kay Bianca, “Gusto kong magpasalam­at sa iyo dahil hindi mo ako sinukuan simula noong una tayong nagkakilal­a. Kahit na ayaw kong makipagkai­bigan sa iyo.

“Noong nahulog ako sa tubig at lumusong ka para tulungan ako, ‘yun na ang simula nang pagiging Superman mo ng buhay ko. ‘ Yung puwede kong sandalan.

“Pero alam ko higit pa doon ang gusto mo. Gusto mo maging karamay natin ang bawat isa. ‘Yun bang pwede kang humugot ng lakas sa akin at ganoon din ako sa iyo.

“Kaya nangangako ako sa Diyos at sa lahat ng taong nagmamahal sa atin, na ako ang magiging karamay at kakampi mo sa lahat ng problemang darating sa buhay natin dahil mahal na mahal kita.”

Habang sinasambit ng dalawa ang kanilang wedding vows, ipinapakit­a naman ang flashback kung paano sila nagkakilal­a noong mga bata pa sila.

Nagngitngi­t naman siyempre sa galit si Carlos ( Jake Cuenca) na binubuska pa ng tunay na amang si Rigor ( Daniel Fernando) kaya todo paninira ang ginagawa nito sa daddy niyang si Roman ( Michael de Mesa).

Bitin ang huling eksena, itinulak ni Roman ang lola Lydia ( Gina Pareño) ni Carlos na ikinagulat ng huli kaya inalalayan niya itong makatayo at nang malaman ito ni Gabriel ay sinugod niya ang hindi nakikilala­ng ama at nu’ng sinaktan na ay pinigil siya ng lola at inaming siya ang tunay nitong anak na ikinagulat ng lahat.

Ano na kaya ang mangyayari kay Carlos na ayaw na ayaw na malaman ito ni Roman dahil babawian siya ng mana at tiyak na palalayasi­n na siya sa mansion at opisina nito?

Abangan ang Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-It’s Showtime.

 ??  ??
 ??  ?? Gerald at Kim
Gerald at Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines