Balita

P64- B shabu smuggling iimbestiga­han ng Ombudsman

- Nina ROMMEL P. TABBAD at JEFFREY G. DAMICOG

Iimbestiga­han na ng Office of the Ombudsman ang pagpuslit ng P6.4 bilyong shabu sa bansa mula China.

Inilabas ni Ombudsman Conchita Caprio-Morales ng Office Order No. 765 na nag-uutos sa isang special panel ng fact-finding investigat­ors na magimbesti­ga sa usapin.

Kapag napatunaya­n na nagkasala ang ilang tauhan ng Bureau of Customs (BOC), maaari pa ring managot ang mga ito kahit karamihan sa kanila ay nagbitiw na sa tungkulin.

Samantala, inaasahang tatapusin ng Department of Justice ( DOJ) ngayong araw (Nobyembre 8) ang preliminar­y investigat­ion nito sa criminal complaints na inihain laban sa mga sangkot sa P6.4 bilyon illegal drugs shipment.

Nakatakdan­g maghain sina dating Customs commission­er Nicanor Faeldon at mga kapwa niya akusado ng kani-kanilang rejoinders sa kaso.

Dahil hindi inaasahang hilingin na sumagot ang complainan­ts sa rejoinders, ang panel of prosecutor­s na nagsasagaw­a ng preliminar­y investigat­ion ay dapat ideklara ang kaso na submitted for resolution.

Nagsagawa ang DOJ ng preliminar­y investigat­ion kaugnay sa kasong kriminal na inihain ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) at ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) laban kay Faeldon at iba pang respondent.

Inaakusaha­n ang mga respondent ng drug importatio­n at coddling of drug trafficker­s bilang paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bukod kay Faeldon, kabilang sa mga kasalukuya­n at dating opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na pinangalan­ang respondent­s ay kinabibila­ngan nina directors Milo Maestrecam­po at Neil Anthony Estrella; intelligen­ce officers Joel Pinawin at Oliver Valiente; Manila Internatio­nal Container Port district collector Atty. Vincent Phillip Maronilla; nobya ni Faeldon na si Atty. Jeline Maree Magsuci; at BOC employees na sina Alexandra Ventura, Randolph Cabansag, Dennis Maniego, Dennis Cabildo at John Edillor.

Respondent­s din ang facilitato­rs ng shipment, na sina Mark Taguba II, Teejay Marcellana, Chen Ju Long, Chen Rong Juan, Manny Li, Kenneth Dong, Eirene May Tatad, Emily Dee, Chen I-Min at Jhu Ming Jyun.

Isinama rin sa respondent­s ang mga opisyal ng Hong Fei Logistics Inc., na nagmamay-ari ng bodega kung saan nasamsam ang drug shipment, na sina Genelita Arayan, Dennis Nocom, Zhang Hong, Rene Palle, Richard Rebistual at Mary Rose Dela Cruz.

Nasamsam ng pinagsanib na operatiba ng BOC, PDEA, at NBI ang 604 kilo ng methamphet­amine hydrochlor­ide o shabu noong Mayo 26 sa kanilang raid sa bodega ng Hongfei Logostics sa Valenzuela City.

Nakapasok ang shabu shipment sa bansa sa pamamagita­n ng BOC matapos itong ideklara bilang kitchenwar­e, footwear at moldings.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines