Balita

Kita sa pagsusubas­ta ng mga obra ng elepante, diretso sa sanktuwary­o sa Malaysia

-

ISINUBASTA ng Hungarian travelling circus ang mga painting na iginuhit ng isang elepanteng Indian—at nabenta naman ang mga ito nitong Sabado. Tatlo sa mga obra ng 42 taong gulang na elepanteng si Sandra, na kinatatamp­ukan ng makukulay na linya na maihahalin­tulad sa ilog, ang nabili sa halagang 40,000 forints o $150 (P7,680) bawat isa.

Ang painting na naglalaraw­an mismo kay Sandra, na iginuhit naman ng isang Hungarian na pintor, ay nabenta sa halagang 260,000 forints o $962 (P49,254).

Ang nalikom na halaga ay ipagkakalo­ob sa sanktuwary­o ng mga elepante sa Malaysia.

Nagpipinta si Sandra gamit ang kanyang trunk sa sarili niyang kagustuhan, ayon sa kanyang amo at trainer na si Florian Richter, isang horse acrobat at circus director.

Sinanay sa circus trick na gumagamit ng shaving brush, binigyan ni Sandra ng paintbrush at kaagad niyang naiangkop ang talento niya sa pagpipinta sa canvas.

Ayon kay Richter, hindi gaya ng ibang elepante sa Thailand na pinupuwers­ang matutong magpinta, kusang ginagawa ni Sandra ang pagguhit kapag nasa mood ito.

“I only help her with changing the brushes and putting them into paints but she does the rest by herself more or less. I praise her by saying ‘oh this is really good, or not so good’,” kuwento ni Richter.

“We have been together for 40 years so this is a family connection,” dagdag pa ni Richter.

Sanggol pa lamang si Sandra nang dumating sa circus, na kinalakiha­n ni Richter bilang ikapitong miyembro ng henerasyon ng pamilya ng mga acrobat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines