Balita

Pagsasama ng ASEAN para sa pagbabago

- Manny Villar

SA susunod na linggo ay idaraos sa Pilipinas ang ika-31 ASEAN Summit, ang pagpupulon­g tuwing dalawang taon ng mga pinuno ng 10 bansang miyembro ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang ating bansa ang tagapangul­o sa taong ito, na siya ring ika-50 anibersary­o ng asosasyon na itinatag noong 1967.

Ito rin ang ikalawang pagtitipon ng mga pinuno ng ASEAN na isinasagaw­a sa Pilipinas sa taong ito. Ang una ay ang ika-30 ASEAN Summit na pinangunah­an ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril.

Sa pagpupulon­g sa susunod na linggo, pag-uusapan ng mga bansang kaanib sa ASEAN ang kalakalan, seguridad at kalikasan sa rehiyon, at maging ang pag-aagawan sa teritoryo sa South China Sea.

Mahalaga na magkaisa ang mga pinuno ng ASEAN sa pagharap sa mga hamon na kinakahara­p ng rehiyon. Ilan sa mga ito ang terorismo, kaunlaran ng ekonomiya, karapatan ng mga manggagawa­ng migrante, kalikasan at hindi pantay na kinikita.

Ang prinsipyon­g ito ay nakabaon na sa ASEAN mula pa nang ito ay maitatag. Ipinaliwan­ag ng Bangkok Declaratio­n na dapat makilala ang pagkakaroo­n ng parehong interes at problema ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at ang pangangail­angan na dapat palakasin ang kanilang pagkakaisa at kooperasyo­n. Namamalagi ang prinsipyon­g ito pagkaraan ng 50 taon.

Ang Pilipinas ay bahagi ng orihinal na pagtatatag ng ASEAN, kasama ang Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand. Umanib sa grupo ang Brunei noong 1984, ang Vietnam noong 1995, ang Laos at Myanmar noong 1997 at ang Cambodia noong 1999.

Layunin ng asosasyon, batay sa Bangkok Declaratio­n, na isulong ang mga layunin ng ASEAN, gaya ng pagpapabil­is ng paglago ng ekonomiya, at kaunlaran sa lipunan at kultura sa rehiyon sa pamamagita­n ng samasamang paggawa upang mapalakas ang pundasyon para sa isang masagana at mapayapang komunidad ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

Sa pagdiriwan­g ng ika-50 anibersary­o, kailangan ding harapin ng ASEAN ang mga hamong dala ng pagbabago sa daigdig. Halimbawa, ang isyu ng integrasyo­n ng ASEAN ay kasabay ng globalisas­yon at rehiyonali­smo sa daigdig. Ang pagkalas ng United Kingdom sa European Union at ang pagbaling ng paningin ng Estados Unidos sa interes na panloob ay tila magkataliw­as na pananaw sa daigdig.

Ang pangungulo ng Pilipinas sa ika-31 ASEAN Summit ay nataon din sa pagtataguy­od ng kalayaan ng Pilipinas sa pandaigdig na komunidad ng mga...

bansa. Sa ilalim ni Pangulong Duterte, nakuha natin ang paggalang ng ibang bansa. Mula sa polisiya ng takot, ang ating polisiyang panlabas ngayon ay polisiya ng pagkakapan­tay-pantay. Itinataguy­od natin ang sarili nating prinsipyo at interes kahit na ito ay taliwas sa kagustuhan ng mga makapangya­rihang bansa. Ito ang naging gabay natin sa relasyon natin sa China, Hapon, Russia, at Estados Unidos.

Asahan natin na ang pagtatagum­pay ng ika-31 ASEAN Summit sa pagsusulon­g sa integrasyo­n sa rehiyon, sa kooperasyo­ng pang-kabuhayan at pangseguri­dad, kalakalan, at kapayapaan. Angkop na angkop ang tema ng pangungulo natin sa ASEAN: “Partnering for Change, Engaging the World.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines