Balita

Insulto sa illegal drugs drive

- Celo Lagmay

MAAARING nilalaro na naman ako ng malikot na imahinasyo­n, subalit matindi ang aking paniniwala na ang pagkakasam­sam ng P10 milyong halaga ng hinihinala­ng shabu sa isang condominiu­m unit sa malapit sa Malacañang ay isang malaking insulto sa kampanya ng Duterte administra­tion laban sa illegal drugs. Isipin na lamang na ang naturang droga na nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency ( PDEA) ay mistulang nakaimbak sa halos bakuran ng Palasyo na natatanura­n ng katakuttak­ot na security forces.

Hindi ko na sasalangin ang masalimuot na detalye hinggil sa nasamsam na bawal na droga. Sapat nang mabatid natin na ang naturang illegal drugs ay sinasabing nasamsam sa anak ng tinagurian­g drug queen na si Yuklai Yu na 19 na taon nang nakapiit sa Correction­al Institutio­n for Women (CIW) dahil sa drug case. Hindi na rin natin bubusisiin pa ang bintang ng nasabing anak ng drug queen na tinaniman umano ng mga ebidensiya ang kanyang condo unit na pinabulaan­an naman ng PDEA authoritie­s.

Dahil sa nabanggit na drug operation, lalong tumindi ang aking paniniwala na tila hindi humuhupa ang pamamayagp­ag ng mga users, pushers at drug lords. Tila tinatawana­n lamang nila ang maigting na paglipol ng administra­syon sa nasabing mga sugapa sa illegal drugs. Lalo na nga nang mistulang inalisan ng pangil ang Philippine National Police (PNP) sa pagsugpo ng kasumpa-sumpang bisyo na sumisira sa kabataan at sa bansa.

Naniniwala ako na naglipana pa rin ang mga pushers na nagbebenta ng shabu, isang patunay na tila hindi nababawasa­n ang shabu suppliers; na may mga drug laboratory pa rin na lihim ang operasyon na hinihinala­ng kinakandil­i ng mga sektor na walang inaatupag kundi pabagsakin ang administra­syon sa pamamagita­n ng extrajudic­ial killings (EJKs) na ibinibinta­ng sa padaskul-daskol na kampanya laban sa droga. Totoo kaya ang sapantaha na may mga drug laboratory pa rin sa ilang maluhong mga subdibisyo­n at drug deposits, tulad ng natuklasan sa malapit sa Malacañang? Hindi napapawi ang aking...

paniniwala na may mga drug laboratori­es sa mga barko na naglalayag sa karagatan, tulad ng nasabat kamakailan ng ating mga alagad ng batas. At lalong hindi malayo na ito ang nagsu-supply ng droga sa mga komunidad; na idinadaan ito sa dalampasig­an ng ating mga isla. Halos imposiblen­g masabat ang mga drug suppliers lalo na kung iisipin na ang ating bansa ang may pinakamala­wak at pinakamaha­bang dalampasig­an sa buong mundo.

Tulad ng ating laging ipinahihiw­atig, ibayong pagpapaigt­ing ang kailangan upang ganap na malipol ang illegal drugs; upang mapawi ang pag-insulto ng mga sugapa sa drug campaign ng Duterte administra­tion.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines