Balita

Kapuso Network, mas tinututuka­n ng viewers

-

SOLID na solid ang pagtutok ng Kapuso viewers sa mga programa ng GMA Network kaya nanatili itong wagi sa TV ratings sa buong bansa, ayon sa latest data ng Nielsen Phils. TV Audience Measuremen­t.

Sa buong Oktubre (base sa overnight data ang Oktubre 22 hanggang 31), nakakuha ang GMA ng 42 percent total day people audience share sa National Urban Television Audience Measuremen­t (NUTAM), mas mataas kaysa sa 37.9 percent ng ABS-CBN.

Mas tinutukan ng mga manonood ang Kapuso programs mula umaga hanggang gabi sa NUTAM. Sa morning block, naka- 38.8 percent people audience share ang GMA kumpara sa 35.7 percent ng Dos.

Bonggang-bongga rin ang afternoon line-up ng GMA at nakakuha naman ito ng 45.8 percent, angat sa 37.1 percent ng ABS-CBN. Hanggang sa evening block ay panalo ang Kapuso Network na may 40.4 percent laban sa 39.5 percent ng ABS.

Karamihan sa mga nakapasok sa listahan ng toprating programs sa NUTAM ay nagmula sa GMA. Nangunguna pa rin bilang most- watched Kapuso show ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Nanatili rin ang mga suki na sa top- rating programs list na Pepito Manaloto; 24 Oras; Daig Kayo ng Lola Ko; Magpakaila­nman; Super Ma’am; All- Star Videoke; 24 Oras Weekend; at Alyas Robin Hood. Hindi rin nagpahuli sa listahan ang iba pang mga paboritong GMA shows tulad

ng Wowowin; Ika-6 na Utos; My Korean Jagiya; Imbestigad­or; Eat Bulaga; Sunday PinaSaya; Impostora; Tadhana; at GMA Blockbuste­rs.

Samantala, nanaig din ang lakas ng Kapuso Network sa lahat ng time blocks sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 76 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

Sa Urban Luzon, nagtala ng 47.3 percent average total day people audience share ang GMA, higit na mataas sa 32.5 percent ng ABS-CBN.

Panalung- panalo ang GMA sa Mega Manila ( ayon sa data mula October 1 hanggang 21) na 48.8 percent ang average total day people audience share, malayo sa 29.3 percent ng katunggali.

Sa top programs list ng Urban Luzon, siyam na Kapuso shows ang nakapasok sa top 10 samantalan­g pinakyaw naman ang buong top 10 spots sa Mega Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines