Balita

Ruru Madrid, magpapaala­m na sa ‘Alyas Robin Hood‛

- Ni NORA CALDERON

SA pagkamatay ni Solenn Heussaff as Iris sa Alyas Robin Hood ng GMA 7, susunod namang mawawala si Ruru Madrid na gumaganap bilang si Andres Silang, inaanak ni Emilio Albano ( Edu

Manzano) at siya ring nagpalaki sa kanya pero hindi alam na isa rin siyang vigilante -- ang kilala lamang sa tawag na Yoyo Boy na tumutulong kay Alyas Robin Hood ( Dingdong Dantes).

Kailangan nang magpaalam sa serye si Ruru dahil may bago siyang sisimulang drama serye rin, kasama ang leading lady niyang si Gabbi Garcia. “Mami-miss ko po ang Alyas

Robin Hood kasi talagang pinaghanda­an ko ang role na ginagampan­an ko ngayon,” sabi ni Ruru. “Nagamit ko naman ang mga stunts at muay thai na pinaghirap­an kong aralin with my fight instructor. Mabuti na nga lamang at malapit na ring matapos ito, last three weeks na lang siyang mapapanood. Hindi ko pa po alam kung ano ang gagawin sa akin, kung papatayin ako, naghihinta­y lang ako ng last taping day ko.”

Kailangan na kasing paghandaan ni Ruru ang bagong role na gagampanan niya sa still untitled drama series.

“Sabi po ay bulag ang role ko at aso lang ang lagi kong kasama. Kaya kailangan kong mag- aral kung paano maging isang bulag. Hindi ko po alam kung ano pa ang hihingin sa akin sa role na gagampanan ko pero excited na po akong magsimula ng taping ng bagong serye namin.”

Thankful din si Ruru na si Gabbi pa rin ang ka-love team niya sa bagong project. Hindi naman siya namimili ng ka- love team, pero siyempre, iba pa rin iyong komportabl­e siya sa kasama. Simula kasi nang magsama sila ni Gabbi two years ago, lahat ng projects na ibinigay sa kanila, sila ang magkalove team.

“Pero patuloy po ninyong panoorin ang natitirang mga linggo ng Alyas Robin Hood dahil mas marami nang action scenes na gagawin si Kuya Dong. Gabi-gabi po kami sa GMA 7 after ng Super Ma’am.

 ??  ?? Ruru
Ruru

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines