Balita

Tyrese Gibson, pinautang ng $5M ni Will Smith

-

LABIS- LABIS ang pasasalama­t ni Tyrese Gibson kay Will Smith at sa asawa nitong si Jada na nagpautang g g sa kanya ng $5 million (P255M) upang tulungan manatiling nakaluluwa­g sa kasagsagan ng g kanyang custody battle.

Nakikipagl­aban ang Fate of the Furious s star para sa kanyang karapatan sa sampung taong ng gulang na anak na si Shayla, makaraang g akusahan siya ng dating asawa ng pamamalo sa bata noong summer, na naging dahilan kaya hindi makaupo ang bata.

Nanalo si Norma Gibson sa inisyal na temporary restrainin­g order laban kay y Tyrese, kaya hindi niya nakita ang kanyang g anak sa loob ng dalawang buwan, at ngayon n ay nais ni Norma na maging permanente ito, at inakusahan si Tyrese ng domestic violence sa loob ng kanilang dalawang taong pagsasama, hanggang sa naghiwalay sila noong 2009.

Itinanggi ni Tyrese ang mga akusasyon ni Norma, iginigiit na isang beses lang niyang pinalo si Shayla, at isiniwalat ang kanyang emosyon sa ilang social media videos na ipinost online habang nagaganap ang hearing sa korte, nitong mga nakaraang linggo. Sa isang video na in-upload nitong nakaraang linggo, nagbreakdo­wn na si Tyrese at inakusahan si Norma ng pagwasak sa karera niya. Inihayag din niya ang pagkadisma­ya sa kanyang mayayamang kaibigan na tumalikos sa kanya, sa panahong kailangan niya ang mga ito, kaya naubos na ang pera niya sa bangko. Gayunman, hindi lahat ay nang-iwan kay Tyrese. Nitong nakaraang Linggo, isinapubli­ko niya ang pasasalama­t sa mga kaibigang sina Will at Jada Pinkett Smith sa nagpautang ng pera para sa pangangail­angan niya. “When we show UP for each-other there’s nothing that can’t be done I repeat nothing,” caption niya sa ilang litrato nila ni Will. “My wife kept the news away from me cause I’ve been on with lawyers all day but our family and our sister Jada-Pinkett Smith and my brother Will Smith just sent us 5 million dollars to help keep us afloat...” Inamin ni Tyrese, na ikinasal kay Samantha Lee ngayong taon, na pinayuhan siya ng superstar couple na panatilihi­ng pribado ang kanyang mga problema sa social media. Patuloy ni Tyrese, “You’ve guys asked me to get off and stay off the Internet now that my daughters legal fees will be paid! will listen..... The Smiths’s and their whole family has always shown up for The Gibson’s... (sic)”. “Uncle Will you’re an uncle for real.....,” dagdag pa ni Tyrese. Hindi pa nagkokomen­to ang Smiths sa pasasalama­t na ito ni Tyrese.

 ??  ?? Tyrese
Tyrese

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines