Balita

Lamar Odom nag-collapse sa night club

-

NAWALAN ng malay si Lamar Odom nitong nakaraang Linggo ng umaga. Nasa Bootsy Bellows nightclub sa West Hollywood ang 38 taong gulang na dating NBA star nang mapabalita­ng nawalan ito ng malay. Nag-post ang TMZ ng video, na makikitang nawalan ng malay si Odom at nakasalamp­ak sa sahig, ngunit mukhang nakakapags­alita naman nang alalayan ng ilang security guard para makaupo.

Inihayag ng tagapagsal­ita nito sa TMZ na nawalan ng malay si Odom dahil sa dehydratio­n bunsod ng matinding workout nang araw na iyon. Sinabi pa ng tagapagsal­ita na napakainit sa club nang mawalan ng malay si Odom.

Magmula nang maganap ang insidente, inihayag ng tagapagsal­ita niya na “doing great” na siya.

Inilahad naman ng taong kumuha ng video sa TMZ na umiinom ng alak si Odom ilang oras bago mangyari ang insidente.

Noong Oktubre 2015, natagpuang walang malay si Odom sa isang Nevada brothel at isinugod sa ospital. Ang kanyang dating asawang si Khloe

Kardashian ang nag-alaga sa kanya noon, ngunit naghiwalay din.

Nitong Hulyo, sumulat ng salaysay si Odom tungkol sa addiction, at tinalakay ang life-threatenin­g incident.

“Pretty much every second of free time that I had, I was doing coke,” sulat niya. “I couldn’t control it. I didn’t want to control it.”

He has since been to rehab, writing in July, “I’m sober now. But it’s an everyday struggle. I have an addiction. I’ll always have an addiction. It never goes away. I mean, I want to get high right now. But I know that I can’t if I want to be here for my children.”

Karelasyon ngayon ni Khloe si NBA star Tristan Thompson na tatay ng kanyang ipinagbubu­ntis.

 ??  ?? Lamar
Lamar

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines