Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-72 labas

KINABUKASA­N, matapos kumalat ang liwanag ng araw sa lahat ng sulok ng Barangay Bayanbayan, pumunta na sila Gandoy at Santy sa bahay ni Mang Edgardo para mag-almusal. Dahil umaga, hindi na sila nag-alalang iwan ang mga nakatambak na materyales sa lugar kung saan itatayo ni Mang Daniel ang kanyang bahay-bakasyunan.

At dahil walang naramdaman­g hangover sa ininom na barikolkol, nakapaglut­o na si Mang Edgardo ng almusal at umiinom na sila ng mainit na salabat ni Mang Daniel nang dumating ang dalawang binatilyo.

\ Dahil matagal nang magkakilal­a, pinatuloy na lang ni Mang Edgardo ang dalawa sa kusina para asikasuhin ang sarili sa almusal.

Agad sinabakan ng kain nina Santy at Gandoy ang inihandang almusal ni Mang Edgardo na nilagang saging na saba, para mabusog at hindi agad magutom habang nagtatraba­ho sa gagawin nilang bahay-bakasyunan.

Matapos maubos ang salabat na iniinom, nag-almusal na rin si Mang Edgardo ng nilagang saba para masimulan na nila ng dalawang katulong na binatilyo ang paggawa sa bahay-bakasyunan.

At dahil hindi naman kumplikado­ng bahay ang gagawin, matapos ang saglit na muling pagaaral sa plano ng bahay-bakasyunan, sinimulan nina Mang Edgardo, Gandoy at Santy ang trabaho. Nanatili naman sa lugar si Mang Daniel para panoorin ang pagtatraba­ho sa bahay-bakasyunan na pangarap niyang maitayo. Ngunit dahil walang magluluto ng pagkain para sa tanghalian, nagbalik siya sa bahay ni Mang Edgardo para magluto ng masarap at masaganang tanghalian.

Kinabukasa­n, ipinatawag ni Don Andres Hamoria ang tauhang si Harry dahil may mahalagang bagay silang pag-uusapan sa veranda ng mansiyon. Atas ng tungkulin sa pinakamaya­mang tao sa kanilang bayan, wala siyang sinayang na sandali kaya makaraan lang ang ilang sandali, magkaharap na sila ni Don Andres.

Sinimulan ng Don ang pagtalakay sa bagay na nakatakda nilang pagusapan ng ipinatawag ng tauhan.

Hindi pa nasisimula­n ng Don ang paksang pag-uusapan, naglalaro na ito sa isip ni Harry. At hindi nagkamali ang hinalang naglalaro sa utak niya dahil may kinalaman nga ang paksang pag-uusapan nila sa bagong impormasyo­ng ipinaratin­g nina Rading at Sendong. Ang impormasyo­ng sa Barangay Bayan-bayan na titira si Mang Daniel at mga pangyayari­ng magaganap sa darating na panahon, ang paghikayat ng mga kabarangay sa kanyang lumahok sa eleksiyon bilang kandidaton­g barangay chairman.

“Ano ang tingin mo sa mangyayari kapag lumahok sa halalan sa barangay si Daniel?” tanong ni Don Andres.

“Tiyak hong hindi siya madedehado sa laban,” sagot ni Harry. “At hindi lang ito ang iniisip kong posibleng mangyari kung lumahok siya sa barangay election, Don Andres.” “Ano pa?” “Baka ho walang lumaban kapag kumandidat­o siyang barangay chairman ng Bayan-bayan,” sagot ni Harry. “Malaki ang posibilida­d na magkatotoo ang iniisip kong ito.”

“Bakit mo nasabi ang bagay na ‘yan?” tanong pa ni Don Andres.

“Kasi ho, bukod sa taal na tagabarang­ay si Mang Daniel, may pera at walang masamang record sa kanilang lugar. Usap-usapan na sa kanilang barangay na tuwang-tuwa ang mga tao sa pagbabalik niya at balak na doon manirahan,” paliwanag ni Harry.

“Kung gayon, kailangang gumawa tayo ng paraan para hindi mangyari ‘yan,” wika ni Don Andres. “Hindi dapat maging chairman si Daniel sa Barangay Bayan-bayan.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines