Balita

Ilegal ang desisyon ng PSL kay Soltones -- Palou

- Ni MARIVIC AWITAN

WALANG basehan ang pagpataw ng suspensiyo­n kay NCAA MVP volleyball star Grethcel Soltones ng Philippine Super Liga.

Ito ang mariing ipinahayag Sports Vision, ang organizer ng Premier Volleyball League ( PVL) na nagdaos ng All- Star Game nitong Oktubre 29 kung saan kabilang na naglaro si Soltones at ginamit na batayan ng suspensiyo­n ng PSL.

Si Soltones ay naglalaro sa Iriga City sa PSL.

Sa pahayag ng PSL management, suspindido ng isang taon at pinagmulta ng P50,000 si Soltones bunsod sa paglabag sa kontrata sa liga.

Ngunit, ayon sa Sports Vision, ipinahiram lamang ang PVL top player sa iriga City team at wala itong kontrata sa PSL.

“The suspension and hefty fine on (Gretchel) Soltones by the PSL officials is absurd and totally uncalled for,” ani Sports Vision president Ricky Palou sa isang statement.

“In the first place, Soltones has no contract with the PSL. She is only on loan to the team of Iriga as her mother league is the PVL.”

Sinabi din ni Palou na ang PVL All Star Game ay hindi isang liga bagkus isang one-day charity event na idinaos para sa kapakinaba­ngan ng HERO Foundation, isang organisasy­on na itinatag upang makalikom ng pondo para sa scholarshi­p funds sa mga naulilang anak ng mga sundalo sumabak sa Marawi City.

“I don’t see anything wrong with what Gretchel did. In fact she should be commended for helping in this fund raising event by her participat­ion,” ayon pa kay Palou.

 ??  ?? SOLTONES: Dekalibren­g collegiate player.
Idinagdag pa nito na ang PVL All Star ay ini -schedule bago pa man hiramin si Soltones ng Iriga City upang maglaro sa PSL.
SOLTONES: Dekalibren­g collegiate player. Idinagdag pa nito na ang PVL All Star ay ini -schedule bago pa man hiramin si Soltones ng Iriga City upang maglaro sa PSL.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines