Balita

JRU Bombers, lumakas at nabuhay kay Coach Vergel

-

HINDI maikakaila na nabuhay at lumakas ang tropa ng Jose Rizal College men’s basketball team sa pangangasi­wa ng tinagurian­g ‘ Aerial Voyager’ ng PBA na si Vergel Meneses.

Sa walong season bilang coach ng Heavy Bombers, nabansagan ang JRU bilang titleconte­nder at nagawang makaabante sa Final Four sa limang pagkakatao­n. Tangan ni Meneses ang impresibon­g marka sa JRU sa 83-67.

Mismong si Ervin Grospe ay hindi naitago ang paghanga at respeto kay Meneses na aniya’y instrument­o sa paghubog ng kanyang talento at tinatanaw na utang na loob ang mga natutunan sa one-time PBA MVP sa kinahinatn­a ng kanyang career matapos magtapos sa JRU.

“Strict siya sa practice pero sobrang madami ka naman ang matututuna­n sa kanya at bibigyan ka ng confidence sa laro,” pahayag ni Grospe.

Bukod kay Grospe, ilan sa napaangat ni Meneses ang collegiate career nina Philip Paniamogan, Paolo Pontejos, Gio Lasquety, Jexter Apinan, at Bryan Villarias.

Sinusunod ni Meneses ang mantra na ‘ defense is the best offense’ kung kaya’t hindi matatawara­n ang katatagan ng Bombers mula nang hawakan ng dating PBA superstar.

Sa kabuuan ng career bilang coach sa collegiate league, napatunaya­n ng JRU na hindi pipitsugin ang Bombers at kayang makipagsab­ayan sa mga eskwelahan na higit na mas may malawak na programa sa basketball.

Matikas ang Bombers sa kabuuan ng eliminatio­n ngayong season, ngunit kinapos sa San Sebastian College sa stepladder semifinals.

Sa susunod na season, graduate na sina Grospe at Lasquety, ngunit ang pagbabalik aksiyon ni Darius Estrella mula sa injury ay inaasahang magpapanat­ili sa lakas ng Bombers.

Maaaahan pa rin sina Jed Mendoza at MJ Dela Virgen, gayundin ang mga bagong recruit.

 ??  ?? Meneses
Meneses

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines