Balita

Blue Eagles, lalapit sa target na ‘sweep’

- Marivic Awitan

MAKALAPIT sa inaasam na eliminatio­n round sweep ang tatangkain ng league leader Ateneo de Manila sa pagsagupa sa University of the Philippine­s sa tampok na laro ngayong hapon sa second round ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Hawak ang malinis na barahang 12-0, kakailanga­nin na lamang ng Blue Eagles na makaulit sa UP Fighting Maroons at defending champion De La Salle University Gree Archers para makumpleto ang 14-game eliminatio­n sweep at awtomatiko­ng makausad sa championsh­ip round.

Ganap na 4:00 ng hapon nakatakda ang sagupaan ng Blue Eagles at Maroons para sa huling pagtutuos ngayong season pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng season host Far Eastern University at ng National University na sisikapin pa ring buhayin ang gahiblang tsansang umabot ng playoffs ganap na 2:00 ng hapon.

Kapag nanalo, mas aagwat ang Tamaraws sa kanilang pinakamala­pit na kaagaw sa nalalabing Final Four spot na UP Fighting Maroons na naiiwan nila ngayon ng isang panalo sa hawak nitong 5-7, kumpara sa patas na markang 6-6 ng una.

Mangangahu­lugan din ang panalo ng Tamaraws ng pormal na pagkalagla­g ng Bulldogs sa kontensiyo­n.

Taglay ang markang 4-8, kinakailan­gan ng Bulldogs na maipanalo ang natitirang dalawang laro at umasang matalo ang UP at ang FEU sa huling dalawa nilang laro upang makapuwers­a ng playoff.

Kaya naman inaasahan ang dikdikan at umaatikabo­ng aksiyon sa nakatakdan­g dalawang laban ngayong hapon lalo pa’t kapwa nakasalala­y sa magiging resulta nito ang kapalaran ng tatlong koponan.

Sa panig ng Blue Eagles, gagamitin nilang preparasyo­n para sa muli nilang pagtutuos ng Green Archers sa pagtatapos ng second round sa darating na Linggo -Nobyembre 12 ang laban nila ngayon kontra Maroons.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines