Balita

Meralco Mera may taas-singil taas- uli

- Mary Ann Santiago

May karagdagan­g pasanin na naman ang mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) matapos na ihayag ng kumpanya na magtataas ito ng 34 sentimos kada kilowatt hour (kWh) sa singil sa kuryente ngayong Nobyembre.

Dahil sa panibagong dagdagsing­il, aabot na sa P9.63 kada kWh ang bayarin ng mga consumer sa kanilang electric bill.

Nangangahu­lugan ito na ang kabahayang kumokonsum­o ng 200 kWh ay kailangang magbayad ng dagdag na P68.72, habang ang mga kumukonsum­o naman ng 300 kwh ay madaragdag­an ng P102.08 ang bayarin ngayong buwan.

Nasa P137.44 naman ang dagdag na bayarin ng mga bahay na nakagagami­t ng 400 kWh kada buwan, at P171.79 sa mga kumukonsum­o ng 500 kWh.

Paliwanag ng Meralco, ang dagdag-singil sa presyo ng kuryente ay dahil umano sa P0.19 kada kWH na dagdag- singil sa generation charge, gayundin sa paghina ng piso kontra dolyar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines