Balita

SUCs tuition-free na sa 2nd sem

- Leonel M. Abasola

Wala nang babayarang tuition fee ang mga estudyante ng state universiti­es and colleges (SUCs) sa buong bansa ngayong ikalawang semester, alinsunod sa benepisyo ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, hindi na maniningil ng tuition fees at miscellane­ous expenses ang 112 SUC mula sa mga estudyante ngayong semester. Bago ito, sinabi ng pamahalaan na ipatutupad ang batas simula sa school year 2018-2019.

Sinabi ng senador na ipinaratin­g sa kanya ng Commission on Higher Education (CHED) na wala nang kokolektah­ing tuition at miscellane­ous fees mula sa mga estudyante ngayong semester.

“Kahapon, kinumpirma ko na implemente­d na po ito this second semester. So, lahat ng mag-e-enrol this second semester, dapat wala nang kinokolekt­ang tuition at miscellane­ous expenses,” ayon kay Aquino, principal sponsor at co-author ng RA 10931.

Naglaan ang mga mambabatas ng P40 bilyon sa 2018 national budget para sa pagpapatup­ad sa RA 10931 para sa school year 2018-2019.

Hinikayat din ni Aquino ang mga estudyante na hindi nakatapos ng kurso sa kolehiyo na magtanong sa mga SUC kung maaari silang bumalik at tapusin ang kanilang pag-aaral.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines