Balita

2 pulis-QC sinibak sa paninipol

- Ni JUN FABON

Agad sinibak sa puwesto ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang dalawang tauhan ng QCPD PS8 - Project 4, matapos ireklamo ng pambabasto­s sa isang estudyante kamakailan.

Kinilala ang mga sinibak na sina PO2 Rick Lopez Taguilan at PO1 Domingo Nagales Cena na kapwa nahaharap sa kasong administra­tibo at conduct of unbecoming of a police officer.

Sila ay positibong kinilala ng biktima na itinago sa pangalang “Zandy”, law student sa University of the Philippine­s (UP).

Base sa imbestigas­yon ng QCPD, tinitigan at sinipulan umano ng dalawa ang biktima.

Dahil dito, nilabag nina PO2 Taguilan at PO1 Cena ang CatCalling City ordinance 2501 o Anti-Harassment ordinance.

Maging ang patrol supervisor na si SPO1 Ariel Camiling ay sinibak din sa puwesto at kinasuhan ng dishonesty makaraang pagtakpan ang dalawang pulis.

Sa kuha ng closed- circuit television ( CCTV) camera, naganap ang insidente noong Nobyembre 2, dakong 10:30 ng gabi. Sakay sina PO2 Taguilan at PO1 Cena sa QCPD mobile unit 235, mula sa QCPD PS8.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines