Balita

Luis, apo ang pangakong birthday gift kay Ate Vi

IBIBIGAY AFTER 9 MONTHS

- Ni JIMI ESCALA

KASALUKUYA­NG naroroon sa New Zealand si Luis Manzano kasama ang kasintahan­g si Jessy Mendiola para marahil dumalo sa kasal ni Anne Curtis.

Pero ayon sa butihing ina ni Luis na si Congresswo­man Vilma Santos, bago umalis ang dalawa ay magkasama sila sa isang dinner sa bahay nila sa Alabang last Sunday. Pahabol na selebrasyo­n daw ‘yun ng kaarawan ni Ate Vi. Present ang lahat including Ryan Christian and Senator Ralph Recto at ilang family friends and relatives. Siyempre, p , lahat ay may regalo kay Ate Vi.

Ano ang regalo na ibinigay sa kanya ya ni Luis?

“Well, binanggit niya sa akin na may ibibigay raw siya sa akin at maghintay daw ako ng nine months,” napatawang kuwento ni Ate Vi.

So, buntis si Jessy at magiging lola na siya?

“Nagbibiro lang ‘yun. Loko-loko talaga ang anak kong ‘yan. Ayaw na raw niya akong bigyan ng regalo at maghintay na nga lang daw ako ng nine months,” ” dugtong pa rin ni Ate Vi.

 ??  ??
 ??  ?? Vilma Luis at Jessy
Vilma Luis at Jessy
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines