Balita

Duterte hands-off na sa drug war

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Muling ipinagdiin­an ni Pangulong Duterte na hindi na siya makikialam sa kampanya kontra droga—ang pangunahin­g ipinangako niya noong nangangamp­anya na nagpanalo sa kanya sa panguluhan.

Nananatili­ng sensitibo ang Pangulo sa isyu matapos niyang aminin na nasaktan siya sa naging pahayag ni dating Dangerous Drugs Board ( DDB) Chairman Dionisio Santiago na isang pagkakamal­i ang mega-drug rehabilita­tion facility sa Nueva Ecija.

Ayon kay Duterte, nasorpresa siya na patuloy siyang pinupuna ng kanyang mga kritiko kahit pa sinabi niyang hindi na siya makikialam sa drug war makaraang ipaubaya na niya ang responsibi­lidad sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA).

“Now umiwas na ako [sa isyu] and I am really very surprised that they are still harping on me when, as a matter of fact, I have distanced myself from the PDEA. It is now the PDEA,” ani Duterte.

Noong nakaraang buwan, ipinaubaya ni Duterte sa PDEA ang kampanya kontra droga, at inalis ito sa pangangasi­wa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippine­s (AFP), at ng iba pang ahensiya.

Inamin ni Duterte na ito ay upang wala nang masabi ang kanyang mga kritiko na bumabatiko­s sa drug war, dahil sa umano’y pagkakasan­gkot ng PNP sa sinasabing extrajudic­ial killings at human rights violations.

Una nang nagpahayag ng pag- aalinlanga­n ang Pangulo sa kakayahan ng PDEA na pamunuan ang drug war, sinabing kulang ito sa tauhan.

“If it works very well, then I am ready to accept. Just like in Marawi and other police and military operations upon my orders, I take full legal responsibi­lity. Period,” ani Duterte. “You can sue me and I will be glad to go to prison.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines