Balita

Angkas ipinasara ng LTFRB

- Chito A. Chavez

Ipinasara ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) ang Angkas, na gumagamit ng motorsiklo sa paghahatid ng mga pasahero, pagkatapos ng joint operation kahapon na nauwi sa pagkakahul­i sa 19 na Angkas motorcycle rider na bumibiyahe nang walang mga kaukulang permit.

“Considered as closed na already,” sinabi kahapon ng LTFRB spokespers­on na si Atty. Aileen Lizada.

Ipinakita rin ng LTFRB ang mga dokumento ng apprehensi­on notice mula sa Makati Business Permits Office (BPO) para sa mga bumibiyahe nang walang mayor’s permit.

Sa Makati BPO apprehensi­on order na may petsang Nobyembre 9, binibigyan ng tatlong araw ang Angkas upang magpaliwan­ag kung bakit dapat silang magpatuloy sa biyahe.

Gayunpaman, ang Angkas mobile applicatio­n ay patuloy pa ring umaandar at tumatangga­p ng mga pasahero sa kabila ng kautusan.

Kahit nagpaliwan­ag ang riders na hindi nila alam na ilegal ang kanilang serbisyo, kinumpiska pa rin ng joint task group ang kanilang mga lisensiya at in-impound ang kanilang mga motorsiklo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines