Balita

Harapang Duterte-Trump magiging ‘candid and productive’

- Genalyn D. Kabiling

DA NANG, Vietnam – Matapos mabuo ang magiliw na usapan sa kanilang pagitan, magkakaroo­n ng “candid and productive” meeting sina Pangulong Rodrigo Duterte at United States President Donald Trump.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque Jr. makaraang hilingin ng dalawang mambabatas sa US kay Trump na talakayin ang drug-related killings sa pagpupulon­g nila ni Duterte.

Magkikita sa unang pagkakatao­n ang dalawang sikat na lider ng mundo sa sidelines ng Asia Pacific Cooperatio­n ( APEC) summit sa Vietnam ngayong Biyernes.

“The Palace will not comment on an internal US government matter,” sabi ni Roque kaugnay sa panawagan ng US congressme­n.

“President Duterte and President Trump have warm rapport, and can have candid and productive discussion­s on matters of shared interest,” dugtong niya.

Kamakailan ay lumiham sina US Representa­tives Randy Hultgren at James McGovern kay Trump na humihiling dito na “impress upon President Duterte the United States’ profound concern” kaugnay sa diumano’y extrajudic­ial killings sa kampanya kontra ilegal na droga.

Tiniyak ng tagapagsal­ita ni Duterte na patuloy na tumatalima ang gobyerno sa rule of law at iginagalan­g ang mga karapatang pantao.

“We reiterate that our adherence to the rule of law remains as firm as ever, as is our commitment to the protection of human rights,” ani Roque.

Bago lumipad sa Vietnam, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pahihintul­utan ang US o alinmang banyagang nasyon na magdikta ng dapat tatalakayi­n ng bansa.

Iginiiit ni Duterte na hindi siya “subservien­t lackey” at sasabihin kay Trump na isantabi ang isyu ng human rights sa kanilang pag-uusap.

“Lay off. That’s not your business. I take care of my country,” ani Duterte.

Sinabi ni Duterte na pag-uusapan lamang nila ni Trump ang bilateral cooperatio­n sa trade, counterter­rorism, at marahil ay ang isyu sa South China Sea.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines