Balita

Matatapang na hakbang tungo sa kaunlaran, isusulong sa APEC

- Genalyn D. Kabiling

Inaasahang magsasagaw­a ang Pacific Rim leaders ng mas matatapang na hakbang para higit na lumalim ang regional economic integratio­n at matiyak ang sustainabl­e, innovative at inclusive growth sa kanilang summit ngayong linggo.

Magtitipun-tipon ang mga lider mula sa 21-miyembro Asia Pacific Economic Cooperatio­n ( APEC) simula Biyernes para sa dalawang araw na mga pag-uusap sa coastal resort city ng Da Nang, Vietnam.

“Being an economic cooperatio­n organizati­on, one of the key themes is deepening regional integratio­n,” sinabi ni Philippine Foreign Affairs Undersecre­tary Manuel Teehankee sa panayam ng media kamakailan sa Da Nang.

Ayon kay Teehankee, inaasahang tatalakayi­n din ng APEC leaders ang mga hakbang upang matiyak makikinaba­ng ang lahat sa pagunlad sa harap ng globalisas­yon.

Isa pang mahalagang temang pag-uusapan ng APEC leaders ay ang “promotion of sustainabl­e, innovative and inclusive growth.”

Kabilang sa mga lider ng mundo na dadalo sa APEC summit sina President Rodrigo Duterte, US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin, Chinese President Xi Jinping, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull.

Pinili ng Vietnam, ang APEC chairman ngayong taon, ang “Creating New Dynamism, Fostering a Shared Future” bilang tema ng summit.

Ngayong araw, inaasahang makikipagd­ayalogo ang mga lider sa APEC Business Advisory Council sa Furama Resort.

Kinagabiha­n, opisyal na tatanggapi­n ni Vietnam President Tran Dai Quang ang APEC leaders at kanilang mga kabiyak sa gala dinner sa Sheraton Da Nang Resort.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines