Balita

Smartphone tantanan sa loob ng simbahan

- Mary Ann Santiago

Pinaalalah­anan ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang mga mananampal­ataya na matutong magpigil at kontrolin ang sarili sa paggamit ng smartphone habang nasa loob ng simbahan at nakikiisa sa pagdiriwan­g ng banal na misa.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng Episcopal Commission on Mission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), hindi masama ang paggamit at pagtangkil­ik sa modernong teknolohiy­a subalit kailangang iaayon ito sa lugar na pupuntahan.

“As a pastor, as a bishop I find it (smartphone­s) very useful that we have this because anybody has it anyway. The bad one is to abuse it to use that in the wrong time like during mass or during religious services - they have to control themselves. The Pope simple says what is to be done,” paalala ni Bastes, sa panayam ng Radio Veritas kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines