Balita

Yemen magugutom

-

UNITED NATIONS (AFP)— Magugutom ang pitong milyong katao sa Yemen kapag hindi winakasan ng Saudiled coalition ang blockade nito at papayagang makapasok ang mga tulong sa bansa, babala ng United Nation nitong Miyerkules.

Sinabi ni UN under-secretary-general for humanitari­an affairs Mark Lowcock na ‘’it will be the largest famine the world has seen for many decades, with millions of victims.’’

Nagsalita ang opisyal ng UN sa mga mamamahaya­g matapos i-brief ang UN Security Council sa closed-door session sa krisis sa Yemen. Nag-demand ang konseho na panatilihi­ng bukas ng Saudiled coalition ang air at sea ports ng Yemen upang maihatid ang mga tulong para sa pitong milyong katao ang nangangani­b sa taggutom.

Isinara ng koalisyon ang mga hangganan ng Yemen bilang tugon sa missile attack ng mga rebeldeng Huthi na na-intercept malapit sa Riyadh airport.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines