Balita

Kelot tiklo sa firearm buy-bust

- Bella Gamotea

Kulong ang isang lalaki sa pagbebenta ng baril sa isinagawan­g firearm buy- bust operation sa bahay nito sa Taguig City, nitong Miyerkules ng hapon.

Naghihimas ng rehas sa Southern Police District (SPD) headquarte­rs, Fort Bonifacio, Taguig City ang suspek na si Angelito Nazario y Bautista, alyas Lito, 52, ng No. 94 NP Cruz, Barangay Ususan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng SPD, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng District Intelligen­ce Unit (DIU) laban sa suspek sa bahay nito, bandang 5:20 ng hapon.

Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan siya ng mga pulis sa aktong inaabot ang baril sa isang parak na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska kay Nazario ang isang .38 caliber revolver; tatlong bala; isang 3310 cellphone; P1,600 cash at P4,000 buy-bust money.

Sasampahan si Nazario ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehens­ive Firearm and Ammunition Law) at ASEAN gun ban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines