Balita

Preso namatay sa ulcer

- Orly L. Barcala

Namatay sa ulcer ang isang preso sa Jail Management Section ( JMS) ng Caloocan City Police kamakalawa.

Binawian ng buhay habang nilalapata­n ng lunas sa Caloocan City Medical Center si Vincent Nacion, 34, ng Block 5, Lot 60, Area 111, Dagat- Dagatan, Caloocan City.

Ikinulong si Nacion sa kasong paglabag sa R. A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitati­on and Discrimina­tion Act), nitong nakaraang linggo.

Base sa report, idinaing ni Nacion ang pananakit ng kanyang tiyan at agad siyang isinugod sa nasabing ospital, bandang 8: 25 ng umaga.

Pagsapit ng 1: 48 ng madaling araw, binawian ng buhay si Nacion.

Sa pagsusuri ni Dr. Xinnia Palacio, nagdugo ang bituka ng preso dahil malala na ang ulcer nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines