Balita

Grade 12 student pinilahan ng anim

-

TARLAC CITY – Halinhinan­g hinalay ng anim na Criminolog­y student ang 17-anyos nilang kaklaseng babae sa Barangay Culipat, Tarlac City, nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, kinilala ang mga suspek na sina Joshua Arcega, Giovanni Ganzon, Julius Salac, Jean Lester Abella, Nelson Francia, Jr. at Jake Ramil, pawang nasa hustong gulang, lahat ay 3rd year Criminolog­y student, at taga-Bgy. Culipat, Tarlac City. Ang biktima ay isang 17-anyos na Grade 12 student, at residente ng Bgy. Tariji. Dakong 4:00 ng hapon umano nang lapitan ng mga suspek ang dalagita sa kinaroroon­ang tindahan malapit sa paaralan nito at imbitahang sumama sa dating nobyong si Arcega.

Nakumbinsi ang dalagita na sumama sa bahay ni Arcega sakay sa personal na sasakyan ng huli kasama ang iba pang mga suspek, at nang makarating sa bahay ay halinhinan umanong hinalay ng mga ito ang biktima.

Nahaharap sa kasong rape at paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) ang anim na suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines