Balita

1 pang nalibing sa landslide, narekober

- Beth Camia Liezle Basa Iñigo

Narekober ang isa pang bangkay ng lalaki na natabunan ng lupa sa landslide sa Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan. Kinilala ang biktimang si Richard Perez. Una rito, narekober din ang bangkay ni Albert Ravelo, 46, ng Sitio Linimasan, Bgy. San Vicente, Sta. Ana, Cagayan. Dakong 9:00 ng umaga umano kahapon nang marekober ang bangkay ni Perez. Naging mahirap ang pagrekober sa bangkay dahil patuloy ang pag-uulan sa lugar, ayon kay Chief Insp. Saturnino Soriano, hepe ng Sta. Ana Police.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines