Balita

Rider tepok sa kariton ng kalabaw

-

CONCEPCION, Tarlac - Patay ang isang driver ng motorsiklo nang sumalpok ang sinasakyan nito sa kariton na hinihila ng kalabaw sa Barangay Pando, Concepcion, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Janus Galang, 24, driver ng Suzuki Smash motorcycle at residente sa nasabing barangay.

Napag-alaman sa imbestigas­yon ni SPO1 Aries Turla na nangyari ang insidente dakong 7:30 ng gabi, patungo noon si Galang sa Bgy. Pando nang bumangga sa likuran niya ang karitong hila ng kalabaw ni Ernesto Corpuz, 32, ng Bgy. Panulung, Concepcion, Tarlac.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines