Balita

Serye ng lindol sa Baler

- Light A. Nolasco

BALER, Aurora - Sunud-sunod na pagyanig ang naramdaman ng mga taga-Baler, Aurora nitong Miyerkules.

Dakong 3:54 ng umaga umano nitong Miyerkules nang niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lugar, ayon sa Philippine Institute of Volcanolog­y & Seismology (Phivolcs) sa 16 na kilometro sa katimugan at may lalim na 11 degrees sa silangan.

Muling niyanig ang Baler dakong 4:17 ng umaga, sa lakas na 2.0 magnitude, na sinundan ng magnitude 2.7 bandang 6:22 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines