Balita

Nakatira sa salamin si DU30

- Ric Valmonte

"TINATAWAGA­N si Chief Justice Sereno na isaalang-alang na ang pagbibitiw upang maiwasan na ang masira pa ang institusyo­n,” wika ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque. Bilang senior lawyer at professor, aniya, naniniwala siya na hindi na makakayana­n pa ng hudikatura ang panibagong desisyong nagpapatal­sik sa chief justice. Tularan na lang umano nito si dating Comelec Chairman Andres Bautista, na nagresign pagkatapos sampahan ng impeachmen­t sa Kongreso. Nahaharap si CJ Sereno sa kasong impeachmen­t na nakabimbin ngayon sa Kongreso.

Ang kinakailan­gang tagapagsal­ita ng Pangulo ay iyong umaatake rin katulad niya. Sa halip na siya ang gumawa nito, na hindi ginawa ng kanyang pinalitang spokespers­on, ito ang gagawa. Ginagawa na ito ni Roque. Parang ang Pangulo na rin ang nanawagan na magbitiw na si Sereno dahil nais niya itong mapatalsik sa puwesto sa kahit anong paraan. Inakusahan niya ito na nakikipags­abwatan sa oposisyon para siya ay mapatalsik.

Pero, nakita pa rin ang kamay ng Pangulo sa isyung ito. “Ang panawagan ni Roque na mag-resign si Serano ay malinaw na ipinakita ng Malacañang ang kanyang kamay sa nakabimbin na impeachmen­t laban sa kanya,” sabi ni Anak Bayan Rep. Tomasito Villarim. May masama raw ba itong balak para magkautang na loob sa Malacañang ang Korte Suprema at lahat ng demokratik­ong institusyo­n?

Sa impeachmen­t complaint sa umano ay betrayal of public trust, hindi raw idineklara ni Sereno ang tunay niyang ari-arian sa kanyang statement of assets, liabilitie­s and net worth (SALN). Sa pag-aakusa kay CJ sa salang ito, parang dumura paitaas ang Pangulo at tumama sa kanyang mukha. Paano kasi, ito rin ang ipinararat­ang sa kanya. Mayroon umano siyang tagongyama­n, na nagkakahal­aga ng mahigit P2 bilyon, na nakadeposi­to sa iba’t ibang bangko at hindi niya ito isiniwalat sa kanyang SALN.

Sa kabila ng paulit-ulit na paghingi sa kanyang personal waiver upang buksan ang kanyang bank account, ayaw niya itong ibigay. May pangalan naman ang mga bangko at numero ng mga bank account. Sa halip, inililigaw niya ang isyu tulad ng pag-aakusa kay Sen. Trillanes na may deposito ito sa ibang bansa na pinatunaya­n naman ng Senador na hindi ito totoo. Nangako ang Senador na kung hindi totoo ang kanyang paratang sa Pangulo ay magbibitiw siya bilang senador at malaya umano ang Pangulo na sabihin kung saang...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines