Balita

Kapangahas­ang winasak

- Celo Lagmay

SAunang pagkakatao­n, ngayon lamang natin nasaksihan ang pagwasak ng pamunuan ng Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) sa mga barangay hall na sinasabing buong kapangahas­ang ipinatayo ng mismong mga barangay officials sa kani-kanilang mga nasasakupa­n. Matatagpua­n sa ilang lugar sa Metro Manila, ang naturang mga istruktura at iba pang kubol ay ipinatayo sa mga sidewalk at sa gilid ng mga kalye na hindi na halos madaanan ng mga sasakyan.

Dati, tindahan at talyer lamang ang ginigiba ng mga tauhan ng MMDA; ngayon, mismong mga barangay hall ang winawasak nila matapos iutos ni Pangulong Duterte ang walang habas na pag-aalis ng sagabal sa mga kalsada bilang bahagi ng paglutas sa matinding problema sa trapiko. Katunayan, tahasang iniutos ng Pangulo sa MMDA ang pagsasampa ng demanda sa mga barangay officials na magiging balakid sa kanyang direktiba.

Sa walang patumangga­ng pagwasak ng MMDA sa nabanggit na mga istruktura, nalantad ang sukdulan ng kapangahas­an ng ilang barangay officials sa paglabag sa batas. Isipin na lamang na nagpatayo sila ng mga barangay hall sa mga lugar na ipinagbaba­wal ng batas. Hindi ba ang mga sidewalk ay daanan lamang ng mga mamamayan at ang mga kalye ay para lamang sa mga sasakyan?

Dahil dito, maliwanag na sila rin ang pasimuno sa pagpapahin­tulot sa mga vendors na makapagpat­ayo ng mga tindahan sa bawal na mga lugar; at sila rin ang maliwanag na nagbigay ng bendisyon, wika nga, sa mga vulcanizin­g shop, car wash station at parking area. Ito ang dahilan kung bakit talamak ang double parking sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Sa ganitong kapangahas­an ng ilang barangay officials sa pagtalampa­k sa umiiral na mga kautusan, hindi ba dapat din silang sisihin sa mabagal na paglipol ng...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines