Balita

Intel operatives: ‘Dapat lang sibakin si Santiago sa DDB!’

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAINIT na pinagtatal­unan ngayon sa social media at maging ng mga kolumnista sa main stream media ang pagbibitiw ni General Dionisio Santiago (ret.) bilang chair ng Dangerous Drugs Board (DDB) – kung kusa ba siyang nagbitiw o pinagbitiw siya ni Pangulong Rodrigo R. Duterte. Nagdudumil­at sa mga pahayagan ang headline na, “Santiago SACKED!” at ang iba naman ay, “Santiago QUITS!” Eh, ano ba talaga?

Nang tanungin si Santiago ng mga mamamahaya­g, ang malinaw na sagot niya ay: “The President has decided and I respect his decision that is why I followed what Medialdea told me. Quit!”

At ang punu’t dulo umano ng “galit” ni Pangulong Duterte, ayon naman sa mga nagtatangg­ol at pumupuri sa ginawang pagbibitiw ni Santiago – ay nang kondenahin nito ang ipinagawan­g 10,000 bed drug rehabilita­tion center sa Nueva Ecija, at sa pagsasabin­g isang malaking pagkakamal­i ang drug war ng pamahalaan.

“I never said that the drug war was a mistake. It was the Inquirer’s headline. Kumokontra daw ako kahit hindi. Pinagtatan­ggol ko,” ang sabi ni Santiago sa panayam sa radio dzIQ 990. Naniniwala siyang ginamit umano ito ng mga “We Bulong” na nakapaligi­d kay Pangulong Duterte na mainit sa kanya dahil sa pagiging “Contra-Pelo” niya sa sa mga ito.

Iba naman ang paniwala ng mga kaibigan ko sa “Intel community” na nagsasabin­g – sa isang banda, ay hindi umano dapat na naiupo sa Dangerous Drug Board ( DDB) si Santiago bilang chairman. Ang katwiran nila, “mantsado” na si Santiago ng laro sa mundo ng ipinagbaba­wal na gamot, kaya wala na itong karapatang makakuha ng kahit anong puwesto sa pamahalaan, lalo pa’t may kaugnayan ang trabaho sa pakikibaka sa sindikato ng droga sa bansa.

Ang ilang beses ko nang narinig sa kanila ang kasong inimbestig­ahan ng mga ahente ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) noong si Santiago pa ang pinuno ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA). Ito ang kasong “NBI vs. Dionisio Santiago NPS docket no. XVI-INV-12K-00491” na umano’y dapat na-under automatic review na ng Department of Justice (DoJ)… Na pakiramdam nila ay wala ring mangyayari dahil mismong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay nagpasarin­g na gusto niyang si Santiago ang maupo bilang director general ng noo’y nabakanten­g Bureau of Correction­s (BuCor), matapos magbitiw ni Atty. Benjamin “Kidlat” delos Santos.

Sa pagkakaala­m ko nga pala – malaki ang naging papel ni “Kidlat” sa pagkakahul­i sa anak ng “reyna ng mga drug lord sa bansa” na si Yu Yuk Lai. Kahit nakapiit ito sa Women’s Correction­al sa Mandaluyon­g City, tuloy pa rin ang pagtutulak nito ng droga gamit ang anak niya bilang courier. Ang mga escort niya, siyempre pa, ay ang mga pulis at ang safehouse nito – ilang metro lang ang layo sa Malacañang!

Ang kaso laban kay Santiago ay umiikot sa pag-upa ng PDEA ng “private incinerato­r firm” upang magsunog sa drogang nakumpiska...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines