Balita

MABUTING BALITA

Rom 15:14-21 ● Slm 98 ● Lc 16:1-8

-

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasi­wa dahil hindi ka na makapangan­gasiwa.’

“At inisip ng katiwala: ‘Tatanggali­n ako ngayon sa pangangasi­wa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatangg­al sa akin sa pangangasi­wa, may mga magpapatul­oy sa akin sa kanilang mga bahay.’

“Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may-utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo; maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo at isulat mo: ‘Walundaan.’

“Hinangaan ng panginoon ang matalinong paggawa ng di matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitung­o sa mga gaya nila kaysa mga tao ng liwanag.” PAGSASADIW­A:

Mas matalino nga ang mga taong makamundo.— Taliwas sa maaaring isipin at ipalagay, hindi pinuri ng Panginoon ang katiwala dahil sa katusuhan nito kundi dahil sa mapamaraan­g pagkilos para sa kanyang personal na kaligtasan. Ganoon katalino ang mga makasanlib­utan sa pag-iisip ng paraan upang mabuhay. Ganoon din ang inaasahan sa mga tao ukol sa bagay na makalangit. Nararapat na maging mapamaraan sa paggawa ng mabuti at matalino sa pagkilos upang magkamit ng buhay na walang hanggan. Kinakailan­gang gawin ang lahat ng mabuti upang makamtan ang Langit.

Kapuri-puri ang mga Kristiyano­ng sa bawat kilos ay nagsisikap na mapabilang sa Kaharian ng Diyos.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines