Balita

Nasa bahay pa rin nila si Sarah --Matteo

BIG INSPIRATIO­N NIYA

- Ni NORA CALDERON

NAPANGITI na lang si Matteto

Guidicelli sa grand presscon ng kanyang

Hey Matteo concert nang may magtanong kung hindi ba siya nao-offend na laging ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang itinatanon­g sa kanya. Resulta, gayong hindi naman niya kasalanan, nababash siya dahil inaakusaha­ng ginagamit lang naman daw niya ang Pop Princess para pag-usapan siya.

“What else is new,” nakangitin­g sagot ni Matteo. “Pero wala po naman akong magagawa kundi sagutin ang mga tanong ninyo. Hindi po naman ako offended dahil si Sarah naman ang itinatanon­g sa akin.”

Ang Hey Matteo ay follow-up ng very successful concert niya sa Cebu City, his hometown, last year. Magaganap ito sa Kia Theatre on November 30, at 7:30 PM. To be produced by Big Bang Production­s, concert director is Rowell Santiago and musical director is Louie Ocampo. Speciall guests ni Matteo sina Kiana

Valenciano, ang rapper na si Loonie at ang isa sa most sought after female artists na si Morisette Amon.

High school pa lang ay mahilig nang kumanta si Matteo.

“Singing for me is freedom, honesty, and telling your story. Singing and music will be the most natural, the most real, the most raw form of art,” magandang sabi ng binata.

May bago ring album na iri- release si Matteo, na most of the songs ay kakantahin niya sa concert. Ang isa nga ay kinanta na niya para sa press, ang Huwag Ka Nang

Umuwi na agad ikinonek kay Sarah. Kung hindi na raw ba umuuwi si Sarah sa bahay ng pamilya at nagkocondo­minium na lamang?

“Hindi po, hindi at never na nagcondomi­nium si Sarah, doon pa rin siya nakatira sa bahay nila,” natatawang sagot ni Matteo. “Basta si Sarah is a big inspiratio­n to me lalo na kapag may concert ako. I’m not affected kung itinatanon­g siya sa akin dahil we don’t work naman together. Right now, she’s busy writing songs for her new albnm. When we are together, we love to listen to music.”

Ilang beses na ring nag- show si Matteo na laging nanonood si Sarah, kaya kailangan pa bang itanong kung manonood ba si Sarah sa November 30?

 ??  ?? Matteo
Matteo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines