Balita

Sofia, si Enzo Pineda na ang ka-love team

BYE-BYE DIEGO LOYZAGA

-

KAPANSIN-

PANSIN na hindi na masyadong close o magkadikit ng upuan sina Diego Loyzaga at Sofia

Andres bukod pa sa masyado silang seryoso sa presscon ng book two ng

Pusong Ligaw nitong Martes, lalo na kung ikukumpara sa trato nila sa isa’t isa sa launching ng programa nila noong Abril sa Dolphy Theater.

Napakasaya nila noon at halata rin sa body language at lalo na sa mga pananalita na may malasakit isa sa isa’t isa at nakuwento nga noon na nagtutulun­gan sila sa eksena nila.

Ilang beses nang nabalita at nasulat na may gusot na sina Diego at Sofia sa set ng Pusong Ligaw pero lagi itong itinatangg­i ng dalawa, noon.

Marahil ay bagong hiwalay pa lang noon ang magka-love team kaya hindi sila nagpapansi­nan sa set at kapag may mga eksena lang sila nag-uusap.

Nakapag-move on na siguro sila kaya naguusap na lalo’t may iba silang projects outside ABS-CBN.

Pagkatapos ng Q and A, sinolo naming interbyuhi­n si Sofia at binanggit ang obserbasyo­n namin at ng mga kasamahan sa panulat.

“Ay, talaga? Hindi, ganu’n lang po talaga kami,” napangitin­g bungad ng dalaga na kinumusta namin at tinanong kung nakapagmov­e on na siya.

“What do you mean?” balik-tanong na sinagot namin ng, ‘alam na namin ang lahat.’

Tinitigan kami ni Vida este ni Sofia at sabay sabing, “No! We’re fine! Siguro they thought na we broke up kasi nga the issues, the people around, that’s why we hate talking about it kasi parang... we’re just really more mature right now.”

Ramdam namin sa mga sagot na nahihirapa­n si Sofia kaya sige, sinakyan na lang namin ang sinabi niya. Kailangan nga naman niyang pangalagaa­n ang love team nila ni Diego bilang si Potpot sa Pusong Ligaw. Okay ba sila ni Diego sa set? “Okay naman po, we really have to be a team, no matter happened, still a team,” pagkadiin-diing sagot ng aktres.

May ibang mga katoto nang sumali na interbyuha­n namin, at nagtanong tungkol sa nakitang ibang babaeng kasama ni Diego nang manood ng pelikulang Kita Kita.

“I read that also, I think it’s not true but may nakakita, so I guess, ask Diego. Baka friend niya lang ‘yun or cousin niya, I don’t know,” natitigila­ng sagot ng dalaga.

Nabanggit din ni Sofia na halos araw-araw silang magkasama ni Diego sa taping ng Pusong

Ligaw kaya hindi na sila lumalabas tulad ng dati na madalas silang nakikita sa Eastwood City at Robinson’s Magnolia.

“Yes, tita, before every TTHS lang, ngayon everyday na ang taping kasi naghahabol din kami for airing. So we need rest kapag walang taping, I’d rather sleep na lang,” pahayag ni Sofia.

Tinanong ang dalaga kung gaano kaimportan­te ang loyalty sa kanya ng isang relasyon.

“My God! I am loyal and honest about that. Siyempre you have to be true whoever you’re interactin­g with, family, friends kasi I know how it feels to be cheated and I don’t wanna do that to anyone especially to my family and friends,” sagot ng aktres.

Pero ‘pag mahal daw ni Sofia ang isang tao, hindi niya kaagad sinusukuan kapag hindi naging honest sa unang pagkakatao­n.

“I don’t think, if you really love someone, you don’t just give up, there’s always a second chance, that’s how I am, eh. Ganu’n kasi po ako, pero kapag alam kong hindi na worth it to fight for, stop na. May hangganan naman po.How will I know if it’s not worth it? ‘Pag niloko ka na talaga ng harap-harapan, that’s it!,”pangangatw­iran ng dalaga.

Balik-tanong namin, harap-harapan na ba siyang naloko.

“Ha-ha-ha, before. It happens talaga in real life. Wala na, just move one.”

At ang isa pang rason kung bakit laging nagbibigay ng second chance si Sofia sa taong mahal niya ay, “Ganu’n po kasi ako, I always give the person the benefit of the doubt, laging may ganu’n.”

Pero hindi naman daw isinasara ng aktres na sila pa rin ni Diego ang magka-love team kapag may iba ulit silang TV projects.

“I hope so, yes po. I’m really open for everything kahit sinong loveteam basta, I have work, I love of what I’m doing, I love being an actress ‘yun naman po talaga ang importante.”

Sa book two ng Pusong Ligaw, ano ang pagbabago ng karakter niya?

“I think Vida is more mature kasi when she’s saw Potpot (Diego- ipinalabas na ang episode na nagkita sila nitong Martes), she’s already accepted na he changed, he’s a successful man. Parang she’s trying to see a new life with Rafa ( Enzo Pineda),” sagot ng dalaga.

Sa madaling sabi, si Rafa o Enzo na ang kalove team ni Sofia sa ikalawang yugto ng Pusong Ligaw.

“Opo, kami na,” nakangitin­g sabi ng dalaga kaya ang hirit naman namin, ‘mas bagay kayo ni Rafa!’ na ikinatawa ng malakas ni Sofia. “Ha-haha, imbyerna si Tita (kami raw).”

Pero hindi pa raw alam nina Sofia ang takbo ng kuwento ng book 2 ng Pusong Ligaw dahil, “waiting pa what’s gonna happen, but we know kung ano ‘yung flow, but the exact story, we don’t know yet,”pakli ng aktres.

Ang Pusong Ligaw daw ang pinakamata­gal na show ni Sofia kaya masaya at thankful kay God at sa ABS-CBN dahil may trabaho siya.

“Sa tulong din po ng veterans,” sabi pa ng dalaga.

Ano ang mas gusto ni Sofia Andres, award o box-office hit?

“Box office, the award will follow,” mabilis na sagot ng dalaga.

Sa Pusong Ligaw, ano ang mas gusto ni Vida, mataas ang ratings o ma-nominate siya bilang best actress?

“Nominated as best actress and I’m after that than ratings, yes I’m just being honest. Kasi gusto ko siyempre being an actress as in certified actress,” pagtatapat ng dalaga.

May mga award na rin daw siya noong bata pa, “I want to strive for more.”

Samantala, single at walang nanliligaw daw ngayon sa aktres.

“I’m focused with my work and my dreams po, ang hirap (kapag may boyfriend), hassle, eh,” natawang sabi.

Sa tumatakbon­g kuwento ng Pusong Ligaw ay nagkalapit na ang loob nina Rafa (Enzo) at Vida (Sofia) na mauuwi sa isang relasyon. Pero mukhang magugulo dahil sa pagbabalik ng Pilipinas ni Potpot (Diego). Napapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos

ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

 ??  ?? Enzo, Sofia at Diego
Enzo, Sofia at Diego

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines