Balita

Mga ina, suportado ang DoH laban sa HPV sa kabataan

-

Nagsama- sama ang mga ina upang suportahan ang Department of Health ( DoH) sa pagpapalag­anap ng kamalayan sa kabataan hinggil sa Schoolbase­d Human Papillomav­irus ( HPV) Immunizati­on program na inilunsad ng ahensiya sa Addition Hills Integrated School sa Mandaluyon­g City.

Mahigit 180 kababaihan­g estudyante mula sa ikaapat na baitang ng nasabing paaralan ang tumanggap ng quadrivale­nt HPV vaccine, bilang bahagi ng pampaarala­ng pagbabakun­a ng DoH.

Bilang pakikiisa, dumalo sa pagbabakun­a ang mga nanay at lola ng mga estudyante. Sa pamamagita­n ng pagpapabak­una, nabibigyan ng proteksiyo­n ang mga bata laban sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng kulugo sa ari o genital warts, cancer ng puwet at lalamunan, cancer sa ari ng lalaki, at cancer sa puwerta at vulva ng mga babae.

Ang HPV vaccine ay isa sa mga bagong bakunang isinama ng DoH sa kanilang national immunizati­on program. Ang nasabing pagpapabak­una sa HPV ay naunang inilunsad sa mga health center sa 20 probinsiya. Ngayong taon, sa pagtutulun­gan ng Department of Education ( DepEd) at Department of the Interior and Local Government ( DILG), ginawa itong school- based upang matiyak na ang mga batang babae na nasa siyam hanggang 13 taong gulang ay mailigtas sa HPV pagdating ng araw.

May pahintulot din ang naturang pagbabakua­n mula sa mga magulang.

Ayon sa mga pananaliks­ik, ang impeksiyon­g dulot ng HPV ang dahilan sa 99 porsiyento ng mga kaso ng kanser sa kuwelyo ng matres o cervical cancer sa kababaihan, na siya ring ikalawang sanhi ng bilang ng mga kamatayang may kinalaman sa cancer sa buong mundo. Sa Pilipinas, mahigit 6,000 bagong kaso ng cervical cancer ang naitatala kada taon.

Ang Addition Hills Integrated School sa Mandaluyon­g ang napiling pagdausan ng school- based HPV Immunizati­on Program ng DOH sa National Capital Region o NCR. Inilunsad din ang pangrehiyo­ng programa sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Zambales, at Pampanga.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines