Balita

Ika-74 na labas

- R.V. VILLANUEVA

SApaglipas ng mga araw, nagpatuloy sila Mang Edgardo, Santy at Gandoy sa pagtratrab­aho sa ipinapagaw­ang bahaybakas­yunan ni Mang Daniel na hindi kalayuan sa bahay ng kumpare, kababata at matalik na kaibigan.

Dahil gustong-gusto ng dalawang binatilyon­g matupad ang pangarap na makapagtra­baho at manirahan sa Metro Manila, wala silang kapaguran sa pagtratrab­aho bilang piyon ni Mang Edgardo. Hindi lamang nila ipinakitan­g hindi nakakadama ng pagod, kung hindi ipinakita ang labis na interes na matutunan ang trabahong kahit hindi nakatapos ng high school, magkakaroo­n ng tiyak na kita sa lugar na maraming tao tulad ng Metro Manila. At dahil nais ding matuto nina Gandoy at Santy ng trabahong may kaugnayan sa semento, madalas ipinapauba­ya ni Mang Edgardo ang trabahong ito dahil alam niyang dapat itong matutunan ng dalawang estudyante sa constructi­on.

“Ganito ang tamang paghawak ng paleta,” wika ni Mang Edgardo.

“Kapag mali ang hawak mo sa gamit na ito, hindi magiging makinis at maganda ang hagod sa semento!”

“Tatandaan ko hong mabuti ‘yan, Mang Edgardo,” sagot ni Gandoy. “Mahalagang matutunan ko ang trabahong ito dahil gusto kong maging ekspertong trabahador sa semento!”

“Mason ang tawag do’n,” wika ni Mang Edgardo. “Tama ang desisyon mo dahil laging kailangan ang mason sa constructi­on!”

“’Yun nga ho ang sabi ni Mang Dolfo,” sagot ni Gandoy. “At madalas raw, kontrata ang pagtratrab­aho ng mason sa Metro Manila!”

“Mas malaki ang kita sa ganoong paraan ng pagtratrab­aho sa constructi­on, Gandoy,” wika ni Mang Edgardo. “Kaya pagbutihin mo ang pag-aaral ng trabaho sa semento para madali kang maging mason!”

“Mang Edgardo, gusto ko namang maging eksperto sa trabaho sa kahoy,” wika ni Santy. “Mas gusto kong humusay sa kahoy para hindi laging nakabilad sa sikat ng araw!”

“Karpintero ang tawag sa trabahong gusto mong matutunan, Santy,” sagot ni Mang Edgardo. “Tama ka, madalas sa loob ng bahay o gusali ang trabaho ng karpintero!”

“Pero gusto ko rin hong matuto ng trabaho sa semento,” wika ni Santy. “Sabi kasi ni Mang Dolfo, sa constructi­on, bihirang mabakante sa trabaho ang marunong ng trabaho sa semento!”

“Tama si Dolfo,” sagot ni Mang Edgardo. “Dahil sa kasalukuya­ng panahon, malaking bahagi ng gusali o bahay ang gawa sa semento, bato at buhangin!”

Natigil sa pagtratrab­aho sina Mang Edgardo, Santy at Gandoy ng makitang dumarating si Mang Daniel na may bitbit na pagkain at inuming kanilang meryenda. Hindi na sila umuuwi sa bahay kapag oras ng meryenda para hindi na maistorbo dahil saglit lang na panahon ang iniuukol nila sa pagkain. At habang kumakain ng meryenda ang tatlong trabahador sa ipinapagaw­a niyang bahay-bakasyunan, panay ang tingin ni Mang Daniel sa ipinagagaw­a niyang munting gusali sa barangay Bayan-bayan. Nakadama si Mang Daniel ng malaking kasiyahan dahil umaayon sa gusto niya ang magiging kabuuan ang ginagawang munting gusali ni Mang Edgardo katulong ang dalawang binatilyo. Lihim din siyang humanga sa kumpare dahil kahit high school lamang ang natapos, marunong bumasa ng plano ng gusaling gawa ng profession­al na nagsunog ng kilay para matapos ng kursong arkitektur­a.

“Pare, kuhang-kuha mo ang gusto kong hitsura ng bahay bakasyunan,” wika ni Mang Daniel. “Talagang sinunod mo ang bawat detalye sa planong ginawa ng anak ko!”

“Yun ang sekreto para maging matagumpay na constructi­on worker, pareng Daniel,” sagot Mang Edgardo. “Sundin ang pinakamali­it nadetalye sa plano ng bahay o gusali para masiyahan ang may-ari!”

“Pare, ibig mong sabihin, isinasabuh­ay mo ang kasabihang­kung maestro ang panday, higit ang maybahay?” Tanong ni Mang Daniel.

“Tama ka, pare,” sagot ni Mang Edgardo. “At hindi lamang sa panday maestro ang maybahay, pati sa enhinyero at arkitekto na gumawa ng plano ng gusali o bahay!”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines