Balita

Globalport Spurs, nagwalis sa PGBL

-

NAKUMPLETO ng Globalport Spurs ang first round sweep, habang nakubra ng Best Center Pioneers ang ikalawang sunod na panalo sa PGBL Season 4 Willie Caballes Cup Lunes ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum.

Kumabig ang Spurs sa matikas na opensa nina Jerome Lagunzad ng Tempo/Manila Bulletin at Aldo Aviñante para mahabol ang 19 puntos na bentahe ng karibal tungo sa 69-64 panalo kontra sa defending champion Rain or Shine Elasto Scribes para sa ikatlong sunod na panalo sa fourteam tournament ng sports media at suportado ng Philippine Basketball Associatio­n at Philippine Sports Commission.

Nakuha ng Scribes ang 38-23 bentahe sa halftime at nagawang mapalobo sa 51-42 sa pagtatapos ng third period. Ngunit, hindi sumuko ang Spurs at nagtumpok ng pinagsaman­g 23 puntos sina Lagunzad at Aviñante sa matikas na ratsada sa final period.

Hataw si Lagunzad sa naiskor na 29 puntos, 13 rebounds at anim na steal, habang kumubra si Aviñante ng 21 puntos, walong boards,at tatlong assists.

Nanguna sa Elasto Scribes (1-2) si Cedelf Tupaz sa naiskor na 29 puntos, tampok ang apat na three-pointer, habang humugot si Diego dela Paz ng 20 puntos, 17 rebounds at limang steals.

Nagwagi naman ang Pioneers kontra Dymons, 64-53.

 ??  ?? MATAMANG nakikinig ang mga miyembro ng Philippine baseball team sa huling instructio­ns ni team manager Ricardo Jimenez sa final briefing bago ang kanilang pagalis patungong Japan para sumabak sa 7th BFA Under-15 Baseball Championsh­ip. Kaagad na...
MATAMANG nakikinig ang mga miyembro ng Philippine baseball team sa huling instructio­ns ni team manager Ricardo Jimenez sa final briefing bago ang kanilang pagalis patungong Japan para sumabak sa 7th BFA Under-15 Baseball Championsh­ip. Kaagad na...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines