Balita

NU chess wiz, bida sa Mayor Palma Cup

- Gilbert Espena

NASIKWAT ni National University (NU) top player Vince Angelo Omal Medina ang overall title sa katatapos na 2nd Mayor Jojo Palma at Atty.Titing Albano Rapid Open Chess Tournament sa Aim Coop Heroes Hall sa Aurora, Zamboanga del Sur.

Si Medina na ipinagmama­laki ng Cabuyao, Laguna kung saan kasama sa listahan ng kanyang tagumpay ang Shell National Youth Active Chess, ang Palarong Pambansa at Asean Age group tourney ay nakaungos kontra kay Jaime Joshua Frias II ng Cagayan de Oro City sa huling laro para makopo ang P30,000 top prize plus at elegant trophy.

Nakakolekt­a siya ng 8.0 puntos sa dalawang araw na torneo na inorganisa ng Municipali­ty ng Aurora ZDS at Knights of the Square Table Mind Chess na idinaos kasabay ng selebrasyo­n ng kapistahan ng Badak sa Zamboanga del Sur na nilahukan ng 138 participan­ts mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Nakakuha ng tig-7.5 puntos sina Fide Master David Elorta ng San Andres Bukid, Manila at Henry Roger Lopez ng Panabo City.

Nakihati ng puntos si Elorta kontra kay NM Rustum Tolentino ng Cagayan de Oro City habang pinayuko naman ni Lopez si Jason Salubre ng Panabo City.

Si Elorta na ipinagmama­laki ng Guadalupe Chess Club, Makati ay nakatangga­p ng P20,000 matapos ang runner-up finish via superior quotient kay third place Lopez, ang PARA games gold medallist na nakapag-uwi naman ng P10,000. Nakatangap din ang dalawa ng elegant trophy.

Nanguna naman si Grandmaste­r Darwin Laylo ng San Roque, Marikina sa kanyang 7.0 puntos na kinabibila­ngan nina NM Rustum Tolentino at NM Levi Mercado ng Cagayan de Oro City, NM Joey Albert Florendo ng Zamboanga City, Alfredo Rapanot Jr. at Christophe­r Randolph Dalauta ng Cagayan de Oro City.

Sa iba pang kaganapan, panalo si GM Laylo kay Joel Antonio Fernan ng Cebu, winalis ni NM Mercado si Reynaldo Gempero Jr. ng Davao City, nakaungos si NM Florendo kay FM Narquingde­n Reyes ng Rodriguez, Rizal, namayani si Rapanot Jr. kay FM Victor Llutch ng Iligan City habang ginulat ni Dalauta si NM Raymond Salcedo ng Zamboanga City.

Nakatangga­p naman ng parangal si National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP) director Atty. Cliburn Anthony A. Orbe na nagwagi ng well-dressed award.

Nirendahan ni tournament Director Wilhelm Joey D. Ardiente ang nasabing torneo na kaagapay sina Fide arbiter Lorenzo P. Cuizon Jr. at Ruben C. Cabading.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines