Balita

ONE FC star Lee, sugatan sa aksidente

-

HONOLULU — Naudlot ang nakatakdan­g pagdepensa ni Angela Lee sa ONE Female World Atomweight championsh­ip matapos masangkot sa aksidente sa Hawaii.

Sa pahayag ng Honolulu StarAdvert­iser, hindi makakalaba­n si Lee sa ONE Championsh­ip female world atomweight champion sa Nobyembre 24 sa Singapore.

Kinumpirma ni ONE Championsh­ip CEO Chatri Sityodtong sa kanyang Facebook page na nabagga ang sinasakyan ni Lee nitong Martes (Miyerkules sa Manila) habang patungo sa kanyang ensayo. Aniya, nagtamo umano ang ONE female star ng concussion at paso sa katawan.

Wala namang binanggit na petsa si Sityodtong para sa pagbabalik-aksiyon ni Lee.

Ang Singapore-based promotion ang nangunguna­ng mixed martial arts promotion sa Asya.

Si Lee ay dating Hawaii state wrestling champion at anak ng mag-asawang martial arts instructor­s.

 ?? PETER BALTAZAR ?? TOP MAN! Kumpiyansa si Edward Folayang na maidedepen­sa ang ONE FC title sa main event ng Legends of World.
PETER BALTAZAR TOP MAN! Kumpiyansa si Edward Folayang na maidedepen­sa ang ONE FC title sa main event ng Legends of World.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines